CHAPTER 36

394 17 2
                                    


Nagpatuloy ang pangungulit ni Levi sa akin hanggang sa chat at text. Minsan tumatawag pa. Pero hindi ko sinasagot. Dahil alam kong pinagtitripan niya lang ako. Ewan ko ba dun. Ang weird ng sinabi niyang gusto niya ako. Samantalang, si Zodiac ang gusto niya dati.

Pero hindi naman ako ganun kasama para tanggihan siya as a friend. Yun nga lang, medyo galit pa din talaga ako sa ginawa niyang pagpapatakas kala Renzo.

Speaking of Renzo, araw-araw akong tinatawagan ng mga pulis para mag update ng tungkol sa kanya. Pati na din sa mga kasama nito. As usual, hindi pa sila nahahanap. Samantalang may matibay naman ng ibidensya na si Renzo ang huli kong nakasama dun sa hotel dahil sa CCTV nasa kamay na ngayon ng mga pulis. Si Emman at Calvin pa nga ang umasikaso nun. Pero wala, talaga. Ang kupad kumilos ng mga Ungas. O sadyang hindi talaga nila hinahanap.

Balak ko sanang tawagan si Kuya Damon para manghingi ulit ng tulong. Kaso, busy. Hindi niya sinasagot. Mukhang may ibang inaasikaso.

Mag iisang linggo na nga buhat nang mangyari ang insidenteng sinapit ko kala Renzo kaya naiinis ako dahil hangga't hindi talaga napaparusahan ang mga yun. Hindi ako matatahimik. At alam kong ganun din si Emman.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Lalo na at nangako naman sa akin si Zodiac na gagawan niya ng paraan. Siya daw bahala.

"Pagod ka na?" Rinig kong tanong ng kung sino.

Pagbaling ko ng tingin sa gilid ko. Nakita kong nasa tabi ko si Zodiac habang may hawak na bottled water. Iniabot niya sa akin ito kaya tinanggap ko naman.

"Hindi 'ah. Wala pa naman tayong isang oras na nagpapractice." Sagot ko.

Dahil nauuhaw na ako ay agad ko ininuman ang bottled water na ibinigay niya. Halos makahalati ko nga ito. Pagtapos ay ibinalik ko ito sa kanya. Napaawang ang bibig ko nang uminom din siya sa doon at inubos niya pa talaga.

"Ininuman ko na yan. Hindi ka ba nandidiri?" Nakangiwi kong tanong.

Bahagya siyang natawa sabay iling.

"Bakit ba? Ilang beses naman na tayong nagkiss? Bakit ako mandidiri?"

Natahimik ako sa kanyang sinabi. Napagtanto kong may punto siya. Kaya umiwas na ako ng tingin.

Tahimik kong iginala ang tingin sa malawak na race track namin dito sa Death Race. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok sa school.

Pasado alas onse na kaya ramdam ko na ang gutom. Kanina pa kaming alas dyes dito. Inaya ko siya ngayong magpractice dahil nga bukas na ang big match namin laban sa Tiago Rios. Dahil sa dami ng nangyari sa akin lately nawalan na ako ng focus sa Death Race kaya ngayon kailangan kong bumawi.

Pero may mga pagkakataon talagang hindi mawala sa isip ko ang mga pagmumukha nila Renzo. Kaya yung galit ko, tumitindi. Ang sarap manaksak ng tao. Kaso, hindi pwede. Kaya mas okay na idaan nalang sa legal na proseso ang pag-ganti.

Kaso, mailap ang hustisya sa bansang 'to.

Nawala ang focus ko sa pagmumuni nang biglang mag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko. Agad na tumambad sa akin ang pamilyar na numero ni Levi.

"Sino yan?" Rinig kong tanong ni Zodiac na nanatili sa tabi ko.

Hindi ko naman siya pinansin. Nakatitig lang ako sa text message ni Levi na tahimik kong binabasa.

- Good morning. Kain na.

Nag text na naman ang Gago. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dito. Pero kung iisipin kong mabuti. Mukha namang mabait si Levi at totoo ang concern na pinapakita niya sa akin ngayon. Pero ayoko pa din magtiwala.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon