CHAPTER 41

519 22 16
                                    

"Anong ginawa mo dito?" Bungad kong tanong kay Levi na nakatayo ngayon sa harapan ko.

Fresh na fresh ang Ungas. Halatang bagong ligo. Bagay na bagay sa kanya ang uniporme namin sa school dahil mas lalo siyang pumuti tignan. Nagmukha siyang mabait sa buhok niyang walang wax.

"Sabay na tayong pumasok."

Literal na napataas ang isang kilay ko.

"Pinuntahan mo ko dito para isabay sa pagpasok?"

Nakangiti siyang tumango.

"Naisip ko dahil friends na tayo. Kailangan natin ng bonding. So, dapat kahit minsan sumabay ako sayo sa pagpasok o pag-uwi. Tama, diba?"

Napakamot ako sa kanang sintido ko habang nakatingin sa kanya. Heto na naman siya. Para na naman siyang maamong aso na tipong ako yung amo niya.

Ano nga ulit nangyayari sa isang ito?

May gusto siya sayo, remember?

Napailing ako nang maalala ko ang tungkol dun. Ilang beses niya na nga paang sinabi yun.

"Magka-away ba kayo ni Timmy?" May kuryusidad kong tanong.

Napansin kong hindi ko nakikitang kasama niya si Timmy dahil palagi siyang nakabuntot sa akin.

"Hindi, 'ah. Okay kami. Busy lang siya. Saka busy din ako."

"Ikaw busy? Eh, lagi kang nakabuntot sa akin."

Bahagya siyang natawa.

"Busy ako sayo."

Hindi ko mapigilang maumay. Mga ganitong linyahan imbes na kiligin ako. Nabubwisit ako lalo galing sa kanya.

Ang cringe.

"Levi, ilang beses ko bang sasabihin sayo. Wala kang mapapala sa akin. Hindi kita gusto kaya tigilan mo na 'tong pagiging mabait mo."

Nakanguso siyang bumuga ng hangin.

"Wala naman na kayo ni Shin, 'ah? Bakit hindi mo ko subukang bigyan ng chance?"

Naningkit ang mga mata ko sa kanya.

"Kahit wala na kami. Hindi ako tanga para maghanap ulit ng bago. Anong tingin mo sa akin, ganun ka-sabik na magka-jowa para maghanap? Hindi ko kailangan ng karelasyon. Mabubuhay ako ng walang ganun. Basta may pera ako."

Totoo naman talaga. Pera ang mahalaga ngayon. Bonus nalang siguro ang love life kung meron.

"Okay. Gets ko."

Napasimangot nalang ako nang makitang ngumiti na naman siya.

"Gets mo? Pero ano 'tong ginagawa mo?"

Tumango tango siya.

"Gets kong ayaw mo sa akin. Eh, di fine. Friends nalang. So, pwedeng sabay na tayo pumasok?"

Friends nalang daw pero yung galawan niya halata mong may ibig sabihin.

"Ayoko. May sarili akong sasakyan."

Hindi siya umimik. Napansin kong napasulyap siya sa paligid.

"Si Shin ba ang kasabay mo pumasok?"

Nakangiwing umiling ako.

"Hindi ko alam."

Hindi ko talaga alam dahil hindi pa naman nag te-text o chat sa akin ang Ungas. Ewan ko kung papasok siya ngayon. Dahil kahapon mukhang absent siya.

"Okay. Kita nalang tayo sa school mamaya."

Pagkasabi niya nun ay agad na siyang tumalikod at naglakad palayo. Iiling iling na babalik na sana ako sa loob. Saktong pagharap ko, tumabad sa akin si Zodiac na nakasimangot.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon