CHAPTER 20

227 13 2
                                    


(Warning: 18+)

Hindi ko maiwasang maawa sa itsura ni Calvin ngayong kaharap ko siya. Para siyang na gulpi ng tatlong tao. Samantalang isa lang naman ang nanakit sa kanya.

Paano ba naman, namamaga ang kanyang labi. Putok ang kanyang kanang kilay. Bukod dun, may benda siya sa kaliwang braso. Buti na nga lang at maayos ang mga binti niya. Pero hula ko, pati dun ay may benda din siya.

"Hindi ba tayo o-oder?" Tanong nito.

Umiling ako.

"Hindi ako nagpakita sayo para sabayan kang kumain. Alam mo kung anong pakay ko."

Linggo ngayon. Ito nga ang araw ng pagkikita namin base sa usapan namin sa chat.

Wala pa ngang alas dyes ay nandito na ako sa restaurant na napili niya. Malapit lang ito sa Saint Jude kaya hindi ako nahirapang hanapin. Halos late siya ng five minutes. Imbes na mainis ay inintindi ko nalang dahil nga injured siya. Baka nahihirapang kumilos.

"Ano pa bang gusto mong ipaliwanag ko. Sinabi ko naman, diba? Walang nangyari sa atin."

Seryoso ko siyang tinitigan. Kita ko sa mga mata niyang tila hindi siya maayos na nakatulog kagabi.

"Isa pa, kung may nangayari sa atin. Ikaw ang unang makakaramdam nun. Dahil sure akong sa ating dalawa. Ikaw ang bottom." Sabi pa nito na ikinaningkit ng mga mata ko.

Alam ko kung anong ibig sabihin nung bottom na binanggit niya. Ito ay dahil sa impluwensya ni Renjie sa akin. Madalas ko itong naririnig na kausap si Riley tungkol sa ganun.

"Okay. Naniniwala na ako. Ang gusto ko lang klaruhin ngayon ay bakit magkasama tayo sa iisang kwarto? At bakit nakahubad tayo? Bukod dun, ang sabi mo. Kay Renjie galing yung juice na ibinigay mo sa akin. Hula ko kasi, iyon ang dahilan bakit ako nahilo at nawalan ng malay."

Napangiwi siya sa dami ng tanong ko.

"Teka isa-isa lang. Mahina kalaban." Sabi niya na hindi ko alam kung nagbibiro ba.

Napabuga ako ng hangin bago sumandal sa kinauupuan ko.

"Okay. Ipaliwanag mo."

Tumango naman siya.

"Dun sa tanong mo kung bakit tayo magkasama sa kwarto at pareho tayong nakahubad. Wala nga akong alam dun. Nagising nalang akong masakit ang ulo ko tapos pagtingin ko. Katabi na kita. Basta ang natatandaan ko. Nakainom ako. Nakakapagtaka nga lang na nakaka-dalawang baso palang ako pero lakas agad ng tama."

Napakamot ako sa kanang sintido ko.

Dalawang baso palang daw nainom niya pero naramdaman niya agad yung epekto? Hindi kaya nakainom din siya nung ininom ko?

"Yung tungkol naman sa kaibigan mong nagbigay sa akin ng juice. Nagsasabi ako ng totoo. Siya nga nagbigay nun. Nagkasalubong nga kami. Nagtataka nga ako kasi feeling close siya agad. Samantalang ka-kilala palang natin sa Cafeteria. Dahil nakiusap siya sa akin ng time na yun. Hinahanap kita para ibigay yung juice. Kaya maniwala ka, Shin. Wala akong alam sa nangyari. Kung may gamot man ang juice na yun. Hindi ko na kasalanan yun. Sumunod lang ako na ibigay yun sayo." Mahaba nitong paliwanag.

Tila naguluhan ako sa narinig.

"Pero sabi ni Renjie. Hindi ka daw niya nakita ng gabing yun. Kaya imposibleng nakasalubong mo siya lalo na at hinila na siya palayo ni Timmy."

Napailing iling si Calvin.

"Baliw ba siya? Hindi pa malabo ang mata ko. Siya yun. Baka naman lasing na siya kaya hindi niya ako nakilala."

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon