CHAPTER 30

409 18 2
                                    


Ang weird sa pakiramdam na makitang tila bumalik sa dating wisyo si Zodiac. Yung tipong palaging nagpapansin sa akin. Maya-maya nagchachat, nag ayang kumain, at kung ano-ano pa.

Para kaming bumalik sa dati.

To be honest, medyo natuwa ako. Aminado naman akong namiss kong ganun siya sa akin. Kaya lang, pilit ko pa din na isinaksak sa utak ko na galit ako. Hindi ko pa siya dapat patawarin dahil nga sa ginawa niya at dun sa masasakit na salitang sinabi niya sa akin. Kumbaga, nagtatalo yung karupukan ko at yung pride ko.

Kasi naman, nasaktan niya talaga ako nun.  Kaya hindi niya ako masisisi ngayon kung bakit hindi ko pa matanggap ang sorry niya. Sabihin na nating sincere yun. Pero nakukulangan talaga ako.

Gusto kong makita ko hanggang saan at kailan ang pasensya niya sa akin. Bukod dun, gusto kong malaman kung talaga bang mahal niya ako.

Nang mag away kami, kung ano-anong negatibo ang pumasok sa isip ko. Isa na nga dun kung mahal niya ba talaga ako.

Dahil kung mahal niya ako. Una siyang maniniwala sa akin kaysa sa iba. Kase mas kilala niya ako kumpara sa kanila. Pero sa nangyari tila hindi nga niya ako kilala. Kaya ngayon tuloy nagduda ako sa feelings niya. Ang ending, hindi ko matanggap yung sorry niya dahilan para magka-awa siyang gagawin niya lahat, mapatawad ko lang siya. Gusto niyang maging okay kami ulit tulad ng dati.

Hayun, napunta kami sa sitwasyon na ganito.

Ako naman si Galit-galitan na kung ano-anong kalokohan ang naiisip para lang pikunin siya.

Tulad ngayon.

Ang sabi ko, magpa-practice kami ng alas onse ng umaga. Sabado ngayon at walang pasok sa school kaya may time kami para makapagpractice.

Alas nwebe palang ay nandito ako sa race track ng Death Race para ituning ang Maserati ko. Pagkarating ko sa ika-limang Laps ay agad na akong bumalik papunta sa starting line. Kaya heto, ramdam kong medyo napagod ko lalo na at mabilis ang pagpapatakbo na ginawa ko.

Sa ilang minuto lang na pagtagal dito sa Death Race ay para na rin akong nakapag-practice. Iyon nga lang, walang ka-partner. Dahil sadya kong inagahan.

"Maserati!"

Napatigil ako sa pagmumuni nang marinig ko ang tawag na yun ng kung sino. Paglingon ko ay namataan ko si Mazda na naglalakad palapit sa akin. Naka-basketball jersey ang Gago. Halatang kagagaling lang sa basketball.

"Nagpapawis ka?" Patukoy nito sa Pag-tu-tuning ko ng kotse.

Tumango ako bago sumandal sa Maserati kong nandito sa tabi ko.

"Hindi mo kasama si Zodiac?" Panibago niyang tanong.

"Mamaya pa yun magpapakita."

Sure akong magugulat siya kapag nalaman niyang kanina pa ako nandito sa race track.

"May nakakita sa inyo kagabi na magkasama. Okay na kayo ulit?"

Tumabi sa akin si Mazda kaya bahagya kong na amoy ang matapang nitong pabango.

Hanep na 'to. Mag ba-basketball lang, nagpabango pa.

"Oo." Tipid kong sagot.

Minsan na ko-konsensya ako kapag magkausap kami nitong si Mazda. Palagi siyang nandyan para mag advice sa akin kahit minsan hindi ko naman kailangan. Alam kong concern siya sa akin. Na gusto niyang pagkatiwalaan ko siya. Na pwede akong mag share sa kanya ng problema.

Pero never ko namang ginawa. Lalo na ngayon.

Marami siyang hindi alam sa akin. Hindi niya alam na naging kami na ni Zodiac. Na may nangyari na sa amin nito. Nag away pa nga. Trinash-talk pa ako ng mga kasamahan nito. Pati yung mga eksena sa school na pinagdaan ko lately dahil kay Zodiac.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon