CHAPTER 6

525 21 4
                                    

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento kay Riley at Renjie ang nalaman ko tungkol sa crush ni Zodiac. Kasi naman, parang hindi yata tama na ipagkalat ko sa iba ang sinabi nito sa akin.

Tingin ko kasi baka gusto ni Zodiac na manatiling lihim ang tungkol dun.

Tama. Mas mabuting manahimik nalang ako. Hahayaan ko si Zodiac mismo ang magsabi sa kanila kung sino yung crush niya. Hindi yung pinangungunahan pa siya ng iba.

Pero napaisip ako.

Lalaki daw ang crush niya. Iyon mismo sabi niya sa akin. Meaning ba nito, bakla siya?

Mukhang tama si Mazda.

"Eh, ano naman kung lalaki din ang gusto niya? Fan mo yun, Shin." Kausap ko sa sarili ko.

Fan ko yun kaya dapat irespeto kung anong gusto niya sa buhay. Kung mas gusto ba niya sa babae o lalaki.

Pero sayang ang lahi. Gwapo pa naman siya.

Inis kong sinampal-sampal ang magkabilang pisngi ko.

Kapag naririnig siguro ako ni Kuya sa mga oras na ito at baka pinagalitan na ako nun. Turo niya sa akin na huwag na huwag daw akong manghuhusga ng kapwa ko. Dahil sa ganung pag uugali namatay ang mga magulang namin.

"May tao ba dyan!"

Nataranta ako sa narinig. Dali-dali kong binuksan ang pinto nitong cubicle at tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaki.

Agad kong nakilala ito dahil sa suot niyang varsity jacket. 

Si Timmy.

"Tapos ka na?" Tanong nito.

Walang imik akong tumango.

"Yun naman pala, 'eh. Tabi dyan. Ako na."

Pagkasabi niya nun ay mabilis akong naglakad palabas kaya pumasok na siya. Padabog niyang isinarado ang pinto na akala mo siga sa kanto.

Napailing ako sa inasta niya. Mukhang masang-sang ang ugali ng crush ni Renjie.

Amoy na amoy ko eh.

Nang madako ang tingin ko sa iba pang cubicle nitong Comfort room na kinaroroonan ko. Nakita kong halos lahat ng pinto nito ay naka-bukas. Senyales na walang katao-tao. Meaning, bakante.

Pero itong crush ni Renjie, dun pa talaga sa cubicle kung nasaan ako naisip mag cr.

Nakaka-gago.

Napakamot nalang ako sa kanang sintido ko bago naglakad na paalis. Palapit na sana ako sa pinto nang biglang matigilan dahil may lalaking nakasandal doon. Bahagya itong nakayuko habang busy sa pang i-scroll ng kung ano sa kanyang cellphone.

"Levi! Nandyan ka pa ba?" Rinig kong sigaw ni Timmy na nanatiling nasa loob ng cubicle.

"Yes, dude." Sagot nitong lalaking nasa harapan ko.

Napansin kong tulad ni Timmy ay nakasuot din ang lalaking ito ng varsity jacket. Mukhang magka-team mate sila.

Levi?

Naalala ko na. Ito yung binabanggit ni Riley kay Renjie.

"Takot siyang mag isa sa CR na 'to." Biglang sabi nitong si Levi.

Napakura kurap ako.

"Ako ba kausap mo?" Tanong ko na itinuro pa ang sarili ko.

Bahagya siyang natawa bago tumuwid ng tayo. Ibinulsa niya sa kanyang pantalon ang hawak na cellphone bago naglakad palapit sa akin. Huminto siya sa mismong tapat ko dahilan para mag angat ako ng tingin sa kanya.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon