CHAPTER 21

343 16 6
                                    


Maraming nagbago simula nang mangyari ang insidente nung byernes. Bukod sa hindi na kami nag uusap ni Zodiac sa chat, text, tawag o kahit pa sa personal. Hindi na din kami magkasabay sa pagpasok ngayon. Nalulungkot ako pero wala akong magagawa.

Masakit na inaakusahan niya ako sa kasalanang hindi ko naman ginagawa.

Kung dati ay nakaparada sa tabi ng motor ko ang motor niya. Ngayon, hindi na.

Tulad nalang ngayon.

Mag isang nakaparada dito sa kaduluhan ng parking lot ang motor ko. Nagmumukha tuloy itong kawawa.

Akmang sasampa na ako dito nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Sa pag aasam na baka si Zodiac ang tumatawag ay agad kong kinuha sa bulsa ng pantalon ko. Nadismaya ako nang makita ang pangalan ng Kuya ko sa screen.

"Kuya." Bungad ko ng sagutin ko ang tawag.

"I'm sorry, hindi ako nakasagot sa mga tawag mo. Busy ako nitong mga nakaraang araw."

Napabuga ako ng hangin sa narinig.

Last week lang ay sinusubukan ko siyamg tawagan. Pero hindi niya sinasagot. Mukhang busy kaya hindi ko kinulit pa. Nagtext nalang ako sa kanya na may kailangan akong sabihin kaya gusto kong dumalaw sana sa bahay.

"Ayos lang, Kuya."

"May problema ba? Bakit malungkot yata ang tono mo?"

Napailing ako sa kanyang sinabi.

"Wala, Kuya. Walang problema. Naisip ko lang na kumustahin ka."

"Oh, ganun ba? Ayos lang naman ako. Don't worry."

Eh di sana all. Ako ang hindi ayos ngayon. Hindi nga ako masyadong nakatulog dahil sa pag-iyak kagabi.

Letseng Zodiac yan.

"By the way, Zeke. Kung maari ay huwag ka munang masyadong naglalabas hangga't hindi pa nahuhuli si Uncle. Alalahanin mo, baliw ang taong 'yon. Any moment pwede niya tayong gantihan. Lalo ka na."

Ngayong nabanggit niya na naman ang tungkol sa Uncle naming bano. Naalala kong nasa bansa nga pala ang isang iyon at malamang gumagawa na naman ng kalokohan. Nitong nakaraang linggo nga ay nagawa akong malapitan.

Ito na ang ikalawang beses na binalaan ako ni Kuya tungkol sa taong 'yon.

"Okay. Naiintindihan ko. Pagkauwi ko naman galing sa school. Diretso ako agad sa Death Race."

Syempre hindi yun totoo. Kung saan-saan na nga ako nakapunta. Pati sa mansyon nila Renzo ay naratingin ko na.

"Good. Don't worry, sisiguraduhin kong makukulong ang Gago."

"Okay." Tanging na sabi ko lang.

Nang mawala siya sa kabilang linya ay muli kong ibinulsa ang cellphone saka sumakay na sa motor ko. Isinuot ko ang helmet bago pinaandar na ito palabas ng HQ. Habang nasa byahe ay panaka-naka akong lumingon sa likuran ko.

Naalala ko kapag ganitong sabay kaming papasok ni Zodiac palagi siyang nasa likuran ko lang. Ngayon wala na. Ako nalang mag isa.

Saklap naman.

Ilang minutong byahe ay nakarating na ako sa school. Pagkababa sa motor ay mabilis kong inalis ang helmet sa ulo ko. Iginala ko ang tingin sa paligid.

Himala wala sila Riley?

Nakita kong nandito na naman na ang kotse niya pero wala sila. Naisip ko nalang na puntahan sa Cafeteria baka na una na dun. Iniwan ko na ang hawak helmet sa motor ko. Tapos naglakad na ako. Napansin kong nakatingin sa akin ang ilang estudyanteng makakasalubong ko.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon