CHAPTER 7

513 25 13
                                    

Tahimik akong naglalakad paalis para pumunta sana sa Death Race building. Syempre sa shortcut ako dadaan para mabilis akong makarating doon.

Nang pasakay na ako ng elevator ay nakita ko si Lotus na tumatakbo palapit sa akin.

"Maserati, buti na abutan kita." Sabi nito.

"Oh?" Sagot ko na humihikab pa.

Kita ko ang pagkataranta sa mukha niya.

"Si Lamborghini kaaway yung isa sa member ng Bastard Devils."

Napakamot ako sa kanang sintido ko.

"Puntahan mo sila dun sa garage natin. Tatawagin ko lang sila Mclaren." Sabi pa niya.

Bago pa ako makapagsalita ay tumakbo na siya paalis. Dahil masunurin akong tao ay pinuntahan ko si Lamborghini.

Naabutan ko nga itong nasa pribadong garahe namin dito sa HQ kasama si Mazda at yung apat na miyembro ng Bastard Devils.

Si Four, Zero, August at Zodiac.

Hawak-hawak ni Mazda ang isang braso ni Lamborghini na tila pinipigilan ito.

"Gago ka!" Sigaw ni Lambo habang masama ang titig na ipinupukol kay August.

Naglakad ako palapit sa kanila ni Mazda nang makitang balak na nitong sugurin si August. Mabilis kong na hawakan ang isang braso nito. Bale dalawa na kaming pumipigil ni Mazda sa kanya.

"Bakit ka nakikipag-away?" Tanong ko kay Lambo.

Magkasalubong ang kilay na binalingan ako ng tingin ni Lambo.

"Gagong yan. Hinipuan ako!" Sagot nito sabay turo kay August.

Agad kong ibinaling ang tingin ko dito. Nakita kong ngumiwi sa akin si Zodiac.

"Huwag ka ngang OA. Joke lang yun." Sabi ni August.

Nagtangis ang mga ngipin ni Lambo sa narinig. Pilit niya itong susugurin pero dahil hawak namin siya ni Mazda sa mga braso ay nanatili siya sa kanyang kinatatayuan.

"Kailan pa naging joke ang panghihipo sa kapwa?" Sabat kong tanong.

Ngumisi si August.

"Hindi ko nga siya hinipuan. Hinampas ko lang. Bakit ba masyadong big deal yun sa kanya? Babae ba siya? Ang arte."

"Hoy gago ka, 'ah!" Si Mazda na masama na din ang tingin kay August.

"Tama na yan." Awat ni Zero.

"Bro, chill." Si Four naman na hawak sa kanang braso si August.

"August." Tawag ni Zodiac na tila nagbabanta.

Napailing naman si August.

"Hindi ko nga yun sadya. Napaka-OA naman."

"Gago." Malutong na mura ni Lambo.

Nasa ganun kaming sitwasyon nang biglang dumating si Mclaren at Bugatti kasama si Lotus. Agad nilang napigilan ang namumuong tensyon kay Lamborghini at August.

Dahil naman kay Zodiac ay lumayo na si August kay Lambo. Pilit niya ng inaya itong umalis kasama pa si Zero at Four.

Nang makaalis na sila sa harapan namin ay kita kong nakahinga nang maluwag ang mga kasamahan ko.

Hindi naman nagtagal ay umalis na din si Lambo na tila hindi niya kami kasama. Hindi pa nga nag paalam sa amin.

Agad namang nagtanong si Mclaren kung anong nangyari at bakit nagalit si Lambo kay August.

"Hinawakan ni August ang pwet niya." Sagot ko.

Biglang pumasok sa isip ko si Chevrolet. Kung nandito lang siya ay baka hinamon niya na ng away si August.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon