CHAPTER 9

358 12 5
                                    


Malalim akong napabuntong hininga nang makalabas ng elevator. Agad kong iginala ang tingin sa paligid. Nang makita kong walang ibang tao ay saka ako naglakad ng mabilis habang patuloy na luminga linga sa takot na baka may makakita sa akin. Bawat poste na madadaanan ko ay hihinto muna ako para icheck kung may ibang tao.

Nang makalapit ako sa private garage namin dito sa HQ ay dumungaw muna ako sa nakabukas nitong pinto. Sigurado akong may tao dito ngayon lalo na at umaga.

Pero nakakapagtaka na makitang tahimik dito at wala ibang tao.

Buti wala si Zodiac.

Akmang ihahakbang ko ang mga paa ko papasok ay may kung sinong humablot ng bag kong nakasukbit sa likuran ko. Kaya natigilan ako sa kinatatayuan. Paglingon ko ay tumambad sa akin ang nakakunot noo na si Lotus.

"Anong ginagawa mo? Mukha kang tanga."

Napatuwid ako ng tayo at bahagyang pinagpagan ang uniform kong suot kahit hindi naman ito na dumihan o nagusot.

"May pinagtataguan ka ba?" Panibago nitong tanong.

Meron.

"Wala, 'ah." Pagsisinungaling ko.

Ang totoo, nagtatago ako kay Zodiac. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Nahihiya ako.

Kagabi nga ng umamin siya. Imbes na magsalita ako, wala paalam akong tumakbo paalis. Nakaka-dissapoint lang na hindi niya ako hinabol. Pero kagabi bago ko matulog ay nakatanggap ako ng chat sa kanya.

- Sabay tayong pumasok bukas. ;)

Ang walangya, may emoji pang kasama kaya naramdaman kong nag iinit ang mga tainga ko. Dama ko din na kinakabahan ako.

Sabay daw kaming pumasok kaya heto ako ngayon kabado.

"Sabihin mo nga. Pangit ba ako?" Bigla kong tanong kay Lotus.

Pinagtaasan ako ng kilay nito.

"Tingin mo ba may magkaka-crush sa akin?" Dagdag ko pa.

"Anong nangyayari sayo? Nag a-adik ka ba?"

Naningkit ang mga mata ko dahilan para matawa siya.

"Joke lang. Okay mabalik tayo sa tanong mo. Hindi ka pangit. Cute mo nga, 'eh. Chinito na hindi ko mawari kung ina-antok ka ba o malabo lang mata mo."

Napailing ako bago humawak sa magkabilang straps ng backpack ko.

"Bakit mo ba na tanong sa akin yan? May nagkaka-crush na sayo? O mayroon ka ng crush?"

Sa kanyang tanong ay napayuko ako sabay tango. Napatitig ako sa converse shoes na suot ko ngayon.

"May nagkaka-crush sa 'kin." Pag amin ko.

"Sino?"

Hindi ako nakasagot. Dahan-dahan ko lang ini-angat ang tingin ko sa kanya. Sumagi sa isip ko yung eksenang kausap ko si Zodiac kagabi.

"Basta meron."

Alam kong popular si Zodiac dito sa Death Race. Baka magka-problema lang ako sa oras na ipagkalat ko ang tungkol sa inamin nito sa akin.

"Oh, congrats. Binata ka na."

Hindi ako umimik.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Taka niyang tanong pa.

"Hindi naman sa hindi ako masaya. Naguguluhan at kinakabahan lang ako."

Kumunot ang kanyang noo.

"Bakit naman?"

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon