Kahapon ay pormal ng ipinakilala sa amin ni Boss Cosimo ang panibagong grupo na makikita sa Death Race.
At sila ang Bastard Devils.
Halos hindi nga maipinta ang mukha ni Lamborghini habang nakatitig sa lahat ng miyembro ng Bastard Devils. Isa-isa pang binanggit ni Boss Cosimo ang pangalan ng mga ito pero tinatamad akong kabisaduhin.
Basta si Zodiac at Cyber lang ang natatandaan ko sa kanila.
Kasabay nun ay ipinaliwanag ni Boss Cosimo na simula sa araw na ito ay makakasama na namin sa HQ at Death Race ang lahat ng miyembro ng Bastard Devils. Kaya daw dapat maging mabait kami sa mga ito.
Syempre bilang empleyado lang ni Boss Cosimo ay wala kaming choice kung hindi sumunod.
Dahil nga sa pagdagdag ng Bastard Devils ay nagkaroon malaking pagbabago sa Death Race. Mas maaga na ang pagbubukas karera ngayon. Ginawa ng five thirty ng hapon. Tapos binawasan na ang mga Laps na paglalaban.
Kung dati apat hanggang anim na Laps. Ngayon hanggang tatlo nalang.
Buti na nga lang at iba ang meeting room at garage ng Bastard Devils sa aming mga taga-Expedallion dahil kapag sama-sama kami. Sure akong riot yun lalo na at mukhang hindi kasundo ni Lamborghini yung isa sa members ng Bastard Devils na si Cyber.
Speaking of Cyber.
Madalas ko itong nakikitang kasama ni Zodiac na kausap si Maclaren. Hindi ko alam kung close sila. Wala namang na iku-kwento si Mclaren sa amin.
Kung mayroon yatang isang hindi masaya sa pagiging close ni Mclaren sa mga members ng Bastard Devils. Malamang si Mazda na yon.
Tulad ngayon.
Nakasimangot nitong dinudurog durog ang karne sa kanyang plato. Halata kong galit ito dahil kanina pa siya nag ra-rant sa akin ng tungkol kay Mclaren. Sakto naman kasing kumakain din ako dito ngayon kasabay siya.
"Ikaw, Maserati 'ah. Huwag kang makikipag-close sa mga 'yon. Lalo na kay Zodiac." Babala niya.
Heto na naman siya patungkol kay Zodiac.
Hindi ko alam bakit binabalaan niya ako palagi na kesyo iwasan ko daw si Zodiac. Huwag ko daw ito kakausapin.
"Kung may galit ka sa Bastard Devils. Huwag mo ko idamay."
Tumaas ang isang kilay niya sa akin.
"Pinagsasabi mo?"
Hindi ako sumagot. Itinuon ko lang ang tingin ko sa plato kong maraming pang laman.
"Don't tell me tulad ni Mclaren ay na lason na nila ang isip mo?" Dagdag niyang tanong.
Napailing ako.
"Huwag kang OA dyan. Hindi sila kalaban. Kakampi sila. Kahit ayaw mo sa kanila. Wala kang choice dahil parte na sila ng Death Race."
Basta ako, hindi ako galit sa mga yun. Lalo na at kasamahan nila si Zodiac.
Mabait sa akin ang mokong na yon dahil idol niya ako. Kaya dapat mabait din ako sa kanya.
Basic.
"Labo mo kausap." Sabi nito at padabog na tumayo na sa kanyang kinauupuan.
Naglakad siya palabas ng dining room nang hindi nagpapaalam. Napailing nalang ako. Parehas talaga sila ni Lambo na may attitude minsan.
Minadali ko na ang hapunan ko. Pagtapos nito ay matutulog na ako dahil pagod ako. Kahit madalas natutulog ako sa school ay napapagod pa din ako.
Buti na nga lang at pinapakopya ako ni Zodiac sa mga quiz namin. Tapos kapag may hindi ako na sulat sa mga subject. Pinahihiram niya sa akin ang notebook niya. At napatunayan kong maganda siya magsulat.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...