"Mamaya na tayo mag usap." Sabi ko kay Emman bago pinatay ang tawag.Ibinulsa ko agad ang cellphone sabay baling ng tingin ulit kay Zodiac na nasa tapat ko.
"May kailangan ka?"
Nakangiwi siyang umiling.
"May sakit ka ba? Bakit hindi ka pumasok? At saan ka galing?"
Daming tanong.
Kung hindi ako galit sa kanya ay baka kahit paano kiligin ko sa pagiging mausisa niya ngayon.
"Wala akong sakit. Tinamad lang akong pumasok. At kung saan ako galing. Wala ka na dun." Sagot ko at nilagpasan na siya.
Pero dahil kupal nga itong si Zodiac ay sumunod talaga siya sa akin.
"Nagcha-chat pa ba sayo si Renzo?"
"Wala na. Blinock ko na siya." Sagot ko habang patuloy na naglalakad.
Blinock ko na ang Gagong 'yon matapos ang mga malalaswang chat niya sa akin.
"Eh, si Malvar ginugulo ka pa ba niya?"
Imbes na sumagot ay huminto ako sa paglakad kaya napahinto din siya. Seryoso ko siyang nilingon.
"Bakit ba ang dami mong tanong?"
"Bakit hindi mo nalang kasi sagutin." Balik niya sa akin.
Inis na napakamot ako sa kanang sintido ko.
"Okay fine. Gets ko bakit tila concern ka na naman sa akin. Kasi gusto mo maging tayo ulit. Pero sana gets mo, kung bakit ayoko na."
Bahagya naman siyang nagulat sa narinig.
"Hindi mo na ba ako gusto?" Tanong nito sa malungkot na tono.
Hindi ako nakasagot dahilan para kunin niya ang isang kamay ko.
"Sorry na. Ano ba gusto mong gawin ko para mapatawad mo 'ko?"
Nanatili akong tahimik. Mabilis kong prino-proseso sa utak ang naging sitwasyon namin nitong mga nakaraang linggo.
Nagtataka ako bakit tila aligaga siyang maging kami ulit.
"Magkaliwanagan nga tayo, Zodiac. Hindi ba galit ka sa akin dahil na huli mo kaming dalawa ni Calvin sa iisang kwarto? Inakusahan mo pa akong nag cheat sayo. Nagpaliwanag ako na walang nangyari sa amin ng gabing yun pero hindi ka naniwala. Pinagtabuyan mo pa 'ko. Tapos ngayon, mag sorry ka na para maging tayo ulit? Ano yan, sa isang sorry mo lang mawawala na ba yung stress na inabot ko sayo? Yung mga luha ko? Yung galit at pagtatampo ko? Ganun nalang ba yun?"
Sabihin na ng iba na dramatic ako, maarte at kung ano-ano pa. Pero hindi ko talaga matatanggap yung sorry niya. Hindi mawawala yung galit ko ng isang sorry lang.
Try niya kayang lumuha ng dugo baka maawa ako.
Ang akin lang, galit ako 'eh. Gusto ko naman makitang mag effort siya na kunin yung tiwala ko ulit. Mga ganung bagay pa.
"Wala na akong pakialam sa mga nangyari nung nakaraan. Basta gusto ko ngayon. Magka-ayos tayo. Kaya nga tinatanong kita kung anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo 'ko?"
Hindi ko inintindi yun dahil may iba akong nasa isip.
"So, malinaw na hindi ka pa din naniniwala na inosente ako?"
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. Hinigit ko naman ito palayo sa kanya kaya medyo na dismaya siya.
"Naniniwala ako. Pero hindi na kasi yun mahalaga." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...