Mabilis na natapos ang buong maghapon ko sa Saint Jude. Hindi ko napansin ang oras. Lalo na at nag e-enjoy ako sa pakikipagplastikan kay Riley at Renjie. Ngayon nag iisip ako ng husto kung paano ko maisasagawa ng maayos ang plano ko kay Riley.Kailangan pasabog ang gagawin ko. Mala-main character ang atake. Tutal, ako naman talaga bida sa storya ng buhay ko at siya. Isa lang sa mga kontrabida ko.
"Zeke?" Rinig kong tawag ni Zodiac.
Napatingin ako sa kanya. Nakita kong inginuso niya ang pinto nitong kotse niya. Ngayon ko lang napagtanto na sa HQ na pala kami.
Mukha kanina pa ako lutang.
"Ah, okay." Sabi ko at lumabas na ng kotse. Narinig ko naman ang pagsunod niya sa akin.
Nang magsimula na akong maglakad ay nasa likod ko na siya agad.
"Sabay tayo mag dinner mamaya."
Hindi ako sumagot. Humihikab na nagpatuloy lang ako sa paglakad bitbit sa kanang balikat ang backpack ko Hanggang sa makarating kami sa tapat ng elevator.
"Zeke, sabay tayo kako mag dinner." Pag uulit niya.
"Oo na." Pagpayag ko.
Pareho kaming napalingon ng marinig na may tumawag sa kanya. Nakita namin si Four na naglalakad na palapit.
"Sakto ang pagdating mo, Bro. May emergency meeting tayo sabi ni Boss G." Sabi nito.
Sa natatandaan ko, yung Boss G na tinatawag nila. Ito yung leader slash manager na humahawak sa kanila. Parang trabaho ni Miss Karin sa aming mga taga-Expedallion.
"Ngayon na?" Takang tanong ni Zodiac.
Tumango si Four habang natatawa.
"Gago ka ba? Kaninang umaga yan nakasend sa gc natin. Halatang hindi ka nagbabasa ng mga message. Masyado kang focus kay Maserati. Hindi ka naman babalikan nyan."
Nagsalubong ang mga kilay ni Zodiac.
"Ganun talaga. Cute ko kasi." Pagbibiro ko dahilan para mas lalong matawa si Four.
Bahagya akong napangiti dahil dun. Agad namang dumirekta sa akin ang tingin ni Zodiac.
"Huwag mo siyang ngitian." Saway nito.
OA nito.
"Pakialam mo ba." Masungit na sabi ko.
Natigilan naman si Four habang papalit palit ang tingin sa aming dalawa ni Zodiac.
"Tama na yan. Baka ma-late tayo sa meeting. Magsisimula ng magbukas ang Death Race." Saway naman ni Four.
Bago pa makapagsalita si Zodiac ay hinila na siya palayo ni Four. No choice naman ito kung hindi magpa-taanod.
"Sabay tayo mamaya, 'ah!" Paalala ni Zodiac.
Tumango lang ako dahilan para mapangiti siya. Nang tuluyan silang makaalis dito sa HQ. Agad na akong sumakay ng elevator paakyat sa dorm namin. Hindi naman ako nagtagal dun. Paglabas ay nagmartsa na ako papunta sa kwarto ko. Nagtaka ako nang makita ko si Mazda na nasa tapat ng pinto ko.
"Mazda?" Tawag ko.
Mabilis siyang lumingon sa akin. Napansin ko ang malungkot niyang mukha.
"Gusto ko ng kausap, Maserati. Pwede ka ba?"
Hindi ako sumagot. Tumango ako at sinenyasan siyang sumunod sa akin sa kwarto ko. Pagpasok naming dalawa ay agad siyang sumalampak ng upo sa sahig na akala mo bata. Iiling iling na inilapag ko sa kama ang backpack ko. Tapos umupo din ako sa sahig para tabihan siya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...