CHAPTER 28

383 17 0
                                    


Dumating ang byernes at ikalawang araw na ng sports festival. Dahil inatake ako ng katamaran. Hindi ako pumasok tutal wala namang klase at isa pa, bored na akong manuod dun. Hindi na ako natutuwa lalo na at wala pang panalo ang section namin.

Nag text lang ako kay Renjie na sabihin sa Teacher namin na may sakit ako kaya hindi ako nakapasok. Pero syempre hindi yun totoo.

Eme-eme ko lang yun.

Tinatamad lang talaga ako. Tapos buong gabi pa akong bad trip dahil sa pag uusap namin ni Zodiac.

Ang gagong 'yon. Sinaniban yata. Gustong makipagbalikan. Ano siya sinusuwerte? Ni hindi pa nga siya na kokonsensya sa mga ginawa niya sa akin nung nakaraan at hindi ko pa nakikita na sincere siya sa pag so-sorry niya. Bukod dun, alam ko at dama ko na hindi pa din siya naniwala na wala akong kasalanan dun sa nakita niya sa mansyon nila Renzo kaya bakit ako makikipagbati sa kanya.

About naman sa video. Hanggang ngayon hindi ko pa din yun pinapakita sa kanya. Nawalan ako ng gana. Matapos nga na makita ko siyang kahalikan yung babaeng si Claire na hindi naman pala niya jowa.

Saka ko na iintindihin itong si Zodiac. Kailangan ko munang mag focus sa grupo nila Renzo. Dahil nga sa ginawang pagbabanta ni Malvar sa akin mas lalong kumukulo ang dugo ko sa kanila.

Ang sarap nilang tusok-tusukin ng tinidor tulad nitong hotdog na kinakain ko.

"Ginagawa mo, Maserati?" Rinig kong tanong ni Lambo kaya nag angat ako ng tingin dito.

Napakurap kurap ako habang siya nakataas ang isang kilay sa akin.

"Tignan mo nangyari dyan sa hotdog mo. Durog-durog na." Sermon pa nito.

"Bakit? Buo pa naman yung hotdog ko."

Nakasimangot na napailing siya.

"Gago. Ibang hotdog yung tinutukoy mo. Iyan, kako." Inginuso niya yung hotdog sa plato ko.

Bigla akong nawalan ng gana kumain. Pero na gi-guilty naman ako na hindi kainin itong dinurog kong hotdog sa plato kaya pinilit ko nalang itong ubusin.

Nang maubos ay agad na akong tumayo sa kinaupuan ko.

"Una na ako." Paalam ko.

Hindi naman siya umimik. Tumango lang ito bilang tugon kaya naglakad na ako palabas doon.

Babalik muna ako sa kwarto ko para maligo habang hindi pa nagrereply si Calvin. Nag text ako sa isang 'yon kanina pagkagising ko na samahan niya akong puntahan si Emman sa bahay nito. Pero hanggang ngayon hindi pa din siya nagrereply.

Sabagay baka nasa school pa ito.

Nang tuluyan akong makabalik sa kwarto agad kong tinignan ang cellphone ko. Nakita ko namang may reply na si Calvin.

- Sige. Mamayang lunch.

Balak ko sanang replayan ito kaso nagulat ako nang may kung sinong nagchat sa akin. Tila nabuhayan ako nang makitang si Emman ito.

Nabasa niya na message ko.

"Magkita tayo ngayon." Basa ko sa chat nito.

Dali-dali akong nagtipa ng ire-ireply sa kanya.

- Saan at anong oras?

Sandali lang akong naghintay sa sagot niya.

- Mamayang 1pm sa Central mall na malapit dyan sa Death Race.

Malapit dito sa Death Race? Bakit alam niyang nasa Death Race ako?

Kahit naguguluhan ay ikinibit-balikat ko nalang yun. Mas mahalagang magka-usap na kami ngayon.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon