CHAPTER 26

338 16 3
                                    


Masakit pala talagang ma-broken hearted. Literal na mawawalan ka ng gana sa lahat ng bagay. Kumbaga masasadlak ka sa kalungkutan. Buti na nga lang, nung gabing yun na nag usap kami ni Zodiac. Doon ko na iniyak lahat. Kinabukasan, back to normal ang drama ko. Although, malungkot talaga ako. Hindi ko naman ito pinahahalata sa mga taong nasa paligid ko. Ayokong mapuna nila kaya nagpigil ako ng emosyon. Ipinapakita ko yung dating ako na nonchalant lang sa lahat ng bagay.

Pero yun lang, madalas ko pa din naiisip yung sakit na dulot ng Ungas na si Zodiac.

Napansin nga ni Riley at Renjie na namamaga ang mga mata ko nang pumasok ako kinaumagahan. Sinabi ko lang na may napanuod akong movie na nakakaiyak. Hindi naman na sila nangulit pa. Pero halata mong medyo nagdududa sila.

Nang mag lunch break habang kumakain kaming tatlo ay muli na namang sumulpot sa Cafeteria si Renzo kasama na naman si Malvar.

Nahalata ko nga ang pagngisi ng dalawa na akala mo may iniisip na kagaguhan. Nagtagal pa sila sa pwesto namin. Kung ano-anong pinag uusapan nila. Ang cringe pa nilang magtawanan. Ang nakakairita pa, nag fe-feeling close sila sa akin.

Nang maka-alis ang mga Ungas ay sinabihan ko si Riley na kapag bukas pumunta pa din sa Cafeteria sila Renzo habang kumakain kami. Talagang hindi na na ako sasabay sa kanila ni Renjie. Imbes na mangamba siya na hindi ako sasabay sa kanila ng lunchbreak. Eh, mukhang ibinibida niya pa ang dalawa sa akin.

"Gusto lang nila na maging ka-close kayo ni Renjie. Pagbigyan mo na." Sabi nito.

Hindi na ako nagsalita pa nung araw na yon. Hinayaaan ko nalang siya. Kahit pa magreklamo o magbigay ako ng komento ay wala din namang saysay.

Nang lumipas ang mga araw ay nag webes na. Nagsimula na ang Sports Festival sa Saint Jude. Base sa natatandaan ko, dalawang araw gaganapin ang event na ito. Sa araw ng webes at byernes. So, otomatikong wala kaming klase sa maghapon.

Samut saring sports activities ang idadaos sa buong school na lalahukan lang naming mga graduating students ng Saint Jude.

Pagdating ko nga sa school ay dumiretso na ako sa classroom namin dahil nag text sa akin si Riley na tumulong daw ako sa paggawa ng banner.

Inagahan ko nga ang pasok ko dahil bilin ng Teacher namin na dapat daw huwag ma-late sa opening ceremony.

Dahil nga may event kami. Recquired na P.E uniform ang suotin ng lahat ng estudyante ngayon. Which is itong black jogging pants at white T-shirt namin na may logo ng school sa kanang dibdib.

Halos lahat ng room ngayon puro busy dahil mamayang alas otso daw magsisimula ang ceremony. Kaya heto, aligaga sa paggawa ng ibat ibang banner ang mga kaklase ko. Habang ako tahimik na nakatingin lang sa kanila. Nakasalampak sila ng upo sa sahig kaya tumabi ako. Inutusan nga ako ni Riley na magupit-gupit ng mga makukulay na papel para daw sa ide-design sa banner namin.

"Bakit ba kailangan ng banner?" Naisip kong itanong habang seryosong ginugupit ang colored paper na hawak sa kanang kamay.

Nasa tapat ko si Riley at Renjie na nag le-lettering sa banner na ginagawa nila. Katabi pa nila itong dalawang babae naming kaklase na si A at B.

"Syempre pang suporta sa section natin. Tandaan mo, by section ang labanan. Kaya dapat bawat sports na sasalihan ng sino man sa atin ay kailangang mag sumuporta." Paliwanag ni Renjie.

Napatango nalang ako bilang pag intindi. Patuloy kong ginupit yung mahigit sampung colored paper na inutos ni Riley sa akin. Nang matapos ay kani-kaniya na sila ng hawak sa banner. Bale, lima nagawa nila na may ibat ibang sukat.

Nang mag alas osto na ay sama-sama kaming pumunta sa malawak na football field dito sa Saint Jude. Dito kasi gaganapin ang opening ceremony. Obviously, magsasalita ang Principal na si Madam Ten.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon