Binabawi ko na yung sinabi kong wirdo si Zodiac. Mali ako dun. Hindi siya wirdo. Mabait siya. Judgemental lang ako masyado kaya ko na sabi yun. Basta, tingin ko sa kanya ngayon parang siya si Santa Claus dahil kahit wala pang pasko. Galante na siya agad."Akin yan lahat?" Tanong ko sabay turo sa mga pagkain nasa lamesa.
Tumango siya.
Napakurap kurap ako habang nakatitig pa din sa mga pagkain. Ramdam kong kumalakam na ang sikmura ko pero hindi ako makakain agad dahil masyado akong curious sa lugar na kinaroroonan namin.
"Nasaan ba tayo? Bakit hindi tayo sa Cafeteria kumain?"
Matapos kong pumayag na sabay kami mag lunch ay inaya niya akong pumunta dito sa building na walang ibang tao kung hindi kami lang. Nasa pinaka-dulo ito ng Saint Jude.
Isa itong gusali na may tatlong palapag na kumpleto sa gamit. Sa pagmamasid ko sa kabuan nitong silid na kinaroroonan namin ay nahuhulaan kong para kaming nasa tambayan o hideout ng isang barkadahan.
Ang ipinagtataka ko kung bakit dito nga kami kumakain imbes na sa Cafeteria. Tapos wala pa yung mga kaibigan niya. Saka yung dalawang alalay ko este si Riley at Renjie.
Bigla kasing hinila palayo ni Blake si Riley. Habang si Deniel kinapitan agad yung bag ni Renjie para hindi ito makagalaw. Ang ending, hindi nakasunod sa akin yung dalawa.
Teka, sinadya ba nila yun?
"Marami kasing istorbo dun. Ayokong maingayan ka." Sagot nito.
Muli akong napakurap kurap.
"Huh? Di ko gets."
Mabili siyang umiling bago inilapag ang kutsara at tinidor sa tapat ko.
"Let's eat na, Zeke." Sabi nito.
Ikinibit-balikat ko nalang ang pagtataka ko at nagsimula ng kumain.
"Inorder mo ba 'to sa labas?" Curious kong tanong habang hawak-hawak ang isa piraso ng fried chicken.
Tumango siya habang nanatili ang tingin sa kanyang plato.
"Ang pangit ng lasa."
Sa narinig ay agad siyang bumaling ng tingin sa akin. Kitang kita kong pilit niyang idinadilat ang kanyang singkit na mga mata.
"O-order nalang ako ng bago."
Akmang da-damputin niya sa lamesa ang cellphone niya nang bigla kong sipain ang isang bakanteng upuan na pumapagitna sa aming dalawa.
"Joke lang. Huwag mong seryosohin." Sabi ko habang poker face na nakatingin sa kanya.
Dali-dali niyang iniwas ang tingin sa akin. Napailing ako. Hanggang sa nagpatuloy ang pananghalian naming dalawa na walang nagsasalita. Kulang nalang may dumaang kalapati o uwak dito para magkaroon naman ng sounds ang paligid.
Mukhang tulad ko ay tahimik din na tao itong si Zodiac.
Pero bakit sa Death Race ay sobrang ingay niya at maloko. Ilang beses ko na siyang naririnig na kausap yung ibang iregular racer. Tawa pa nga siya nang tawa.
Iba talaga siya dito sa school. Para siyang may ibang personalidad.
Lumipas pa ang mga minuto ay natapos na din kami. Nabusog ako doon kaya dahan-dahan lang ang lakad ko pabalik sa room namin. Tahimik namang nakasunod sa akin si Zodiac. Nagtataka pa nga ako dahil nasa likuran ko siya imbes na tumabi siya sa akin. Para tuloy siyang pusa na nakasunod lang sa amo.
Sabagay, mukha siyang pusa dahil sa singkit niyang mga mata.
Singkit din naman ako pero mas singkit siya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...