CHAPTER 13

418 19 4
                                    


"No matter gay, straight, or bi
Lesbian, transgendered life
I'm on the right track, baby
I was born to survive
No matter black, white, or beige
Chola or orient made
I'm on the right track, baby
I was born to be brave."

Napahikab ako sa lakas ng sounds ni Riley dito sa kotse niya. Sinasabayan pa nila ito ni Renjie. Ganadong ganado sila kumanta na tila naka-almusal ng maayos kaninang umaga.

"I was born this way, yeah!" Pagkanta ni Riley at Renjie sabay tawa.

Napabuga ako ng hangin. Kanina pa sumasakit ang magkabilang tainga ko sa lakas ng boses nila. Okay lang sana kung hindi sintonado.

Nasa driver seat si Riley katabi niya si Renjie na nasa frontseat naman. Habang ako nandito sa backseat.

Sabado ngayon at wala kaming pasok. Alas nwebe palang kanina ay binubulabog na ako ng dalawang 'to. Sinundo nila ako sa HQ dahil may pupuntahan daw kami. Nang tanungin ko kung saan. Sagot ni Riley ay makikipag meet up daw siya kay Jolo na kachat mate niya. Dahil huli na para umayaw pa ako. Heto nga at kasama na nila ako.

Buti nalang at wala naman akong masyadong gagawin sa Death Race. Mamayang gabi pa naman ang trabaho ko.

"Maganda yang song na yan, Shin. Yan ang theme song ng sang-kabadingan." Si Riley na panaka-naka akong sinusulyapan sa rear view mirror nitong kotse niya.

"Theme song?" Taka kong tanong.

Bahagyang natawa si Renjie at nilingon ako.

"Search mo yung lyrics. Maiintindihan mo kung bakit." Sabi nito.

Tumango lang ako bilang pag intindi.

"Next week pala magkakaroon ng pride month sa lugar namin. Sama ka, Shin."

Muli akong napatitig kay Riley dahil sa narinig.

"Pride month?"

Nanatili naman ang tingin ni Renjie sa akin.

"June ngayon, diba? Tuwing june sine-celebrate ng mga members ng LGBTQ+A ang pride month. Parang buong june, 'eh buwan ng mga bading. Na walang ibang gagawin kung hindi magsaya. Manghawa sa iba pa ng kabadingan at ipakalat sa mga homophobic na mamatay na sila. Ganun." Paliwanag ni Renjie na ikinahagalpak ng tawa ni Riley.

"Gaga ka, Insan. Paano ang Tatay mo?"

Napabungisngis si Renjie.

"Ay oo nga. Huwag na pala." Pagbawi nito kaya sabay silang natawa.

Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanila.

"Nga pala, Shin. Kamusta na kayo ni Daisuke? Wala bang pagbabago?" Tanong ni Renjie dahilan para bumalik sa isip ko ang pag uusap namin ni Zodiac.

Kita ko sa mukha nito ang pagkadismaya sa itinanong ko kung magagawa din ba niya akong saktan tulad ng ginawa niya sa iba.

Ang sagot niya...hindi daw.

"Sinabi ko na. Hindi kita kayang saktan. Emosyonal man o pisikal. Kaya huwag matakot sa akin. Dahil never ko yung gagawin. Promise."

Sa narinig ay kahit paano nawala ang kaba ko. Ayoko isipin na tulad siya ni Uncle na nanakit. Pagod na ako sa mga ganung tao. Kaya nga, inunahan ko na si Zodiac. Harapan ko siyang tinanong. Kaya sa ngayon, panghahawakan ko ang pangako niya.

Gayunpaman, maraming pangako ang nababali minsan.

Kaya hanggang ngayon, kahit gusto ko na siya. Nagdadalawang isip akong payagan siya namakapasok na sa buhay ko, hindi na bilang kaibigan kung hindi ka relasyon.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon