CHAPTER 34

250 12 0
                                    


Isang araw lang akong hindi nakapasok dito sa Saint Jude pero pakiramdam ko may nag iba sa paligid. Para bang may negative energy agad. Ang bigat sa pakiramdam lalo na ng makababa kami ni Zodiac sa kotse.

"Gusto mo bang ihatid kita sa room ninyo? Maaga pa naman. May oras pa ako para samahan ka." Suhestyon ni Zodiac.

"Hindi ako baldado. Pwede mo na akong iwan. Don't worry, magiging okay lang ako."

Mula pa kagabi hanggang kanina. Napansin kong masyado siyang maalaga sa akin. Tipong bawat galaw ko. Kailangang alam niya. Na hindi niya nga ako hinahayaang mag isa. Kada minuto, nagtetext agad.

Nahuhulaan kong nag a-alala siya sa akin na baka may gawin ako sa sarili ko kaya yan, todo alaga siya.

"Hindi mo maaalis sa akin na mag alala lalo na at kasama mo sa iisang silid si Riley. Nakukutuban kong may ideya na siya na may alam ka tungkol sa kanya."

Inaasahan ko na ang tungkol dun. Syempre malamang, iniisip ni Riley na baka nagkwento o nagsabi na si Zodiac sa akin ng pagkakakilanlan niya.

"Iniisip mo ba na baka kumprontahin niya ako ngayon?"

Tumango siya sabay lagay ng kanang kamay sa tuktok ng ulo ko. Marahan niyang hinimas-himas ang buhok ko.

"May galit siya sayo kaya imposibleng hindi mangyari yun."

Galit siya sa 'kin dahil sayo.

Gwapo kaso ng Ungas na ito kaya ang dami tuloy inis sa akin. Isa na nga dyan si Riley.

"Hindi niya gagawin yun. Nasa school kami. Kapag kinumpronta niya ako dito ngayon, mas lalo siyang maiipit. Malalaman ng lahat ang tunay na kulay niya. Ang ending, damay siya sa kasalanan nila Renzo." Paliwanag ko.

"So, ikaw ang unang ku-kumpronta sa kanya?"

Patuloy niyang hinihimas ang tuktok ng ulo ko na para bang isa akong tuta.

"Sinabi ko na kanina, diba? May plano ako sa kanya kaya wala akong balak na komprontahin siya sa ngayon."

"So, a-akto ka na parang bang wala ka pang alam sa pagkatao niya?"

Napangisi ako sa narinig.

"Exactly. Magkukunwari akong walang alam. Sa madaling salita, magpaplastikan kaming dalawa."

Alam kong ganun din naman ang plano ni Riley sa akin ngayon. Pa-plastikin niya ako. Hihintayin niyang ako mismo ang kumompronta sa kanya tungkol sa inutos niya kala Renzo at sa pagkatao na inilhim niya sa akin. Pero malas niya, hindi ko muna yun gagawin. Magpapatuloy ang palabas na sinimulan niya. Hindi ko muna ito tatapusin hanggat hindi pa nahahanap ni Zodiac sila Renzo.

"Okay. Sige. Bahala ka kung anong gusto mo. Pero sabihan mo ko kapag may ginawa siya sayo o kahit sino dito sa school."

Kung makabilin naman 'to. Akala mo, Tatay ko.

Sabagay, pwede naman. Kaso, mas okay ang Daddy para may impact. Kaysa sa Tatay. 

"Yung pinangako mo, Zodiac. As soon as possible, gusto kong makita na sila Renzo. Alam kong kaya mo silang ipahanap."

Mayaman ang Ungas na 'to. Nalaman ko kay Mazda na marami itong galamay na pwede niyang utusan. Kaya madali lang para sa kanya ang maghanap ng mga nagtatagong adik.

Letse kasi yung mga pulis. Ang kukupad kumilos. Kanina bago ako mag agahan ay tumawag sila sa akin. Ipinapaalam lang nila na wala daw sa kanilang mga tirahan si Harry, Malvar at Renzo. Hindi na daw umuuwi. Tapos pinaghahanap na din nila yung iba pang miyembro ng grupo dahil inireklamo din ang mga ito ng mga naging biktima nila.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon