Ayon sa chat ni Renjie sa akin. Dadaanan daw nila ako ni Riley ng saktong alas syete ng gabi. Nag reply lang ako ng Okay sa kanya.Ang hindi niya alam. Mauuna na ako sa hotel na yun dahil may usapan kaming magkikita ni Calvin. Ngayon nga ay ba-byahe na ako patungo doon.
Ako ang nag opening sa Death Race ngayong gabi. Pagtapos palang ng match ko ay dali-dali na akong lumabas ng underground garage. Nakasalubong ko pa nga si Ford na susunod yata sa akin. Balak pa sanang makipagkwentuhan nito. Pero sinabi kong busy ako kaya iniwan ko na siya dun.
Hindi na ako nag abalang magpalit pa ng damit. Dahil wala na akong oras para umuwi pa sa HQ kaya diretso na akong umalis dito sa Death Race.
Ayos naman ang itsura ko ngayon. Naka-white sweatshirt at maong pants na tinernuhan ko ng sneakers.
Palaging ganito ang mga suotan ko. Yung tipong simple lang.
Para aesthetic.
Sakay ng taxi ay agad na akong naka-alis sa Death Race. Chinat ko si Calvin na hintayin ako sa bukana ng hotel para makita ko siya agad. Nagreply naman siya na kadarating lang nila ng Captain niya doon. Pagsulyap ko sa wrist watch ko. Nakita kong 6:30 na pala ng gabi. Tama lang ang alis ko sa Death Race para hindi ako maabutan nila Renjie doon.
Sa mabilis na byahe ay nakarating ako sa Hotel ng saktong 6:50. Pagbaba ko palang ng taxi ay agad kong nakita si Calvin na tumatakbo palapit sa akin.
Naka-varsity Jacket ang Ungas. Habang may t-shirt sa loob. Ang kanyang pants ay bumagay sa converse niyang sapatos.
"Shin." Mahinahong tawag nito sa pangalan ko.
Mabilis akong luminga linga sa paligid bago hinatak siya sa kung saan. Medyo lumayo kami nang bahagya sa hotel.
Sandali kaming tumambay dito sa coffee shop na katabi lang ng Hotel. Niyaya ko siya sa loob para makapag usap kami.
"Bilisan natin. Hahanapin agad ako nila Captain. Magtataka sila kapag nawala ako." Bungad nito.
"Bakit marami ba kayong pumunta ngayon?" Taka kong tanong.
Tumango siya.
"Halos lima kami sa team. Mga nag fe-feeling close yun kay Malvar kaya gusto sumama."
Marami-rami din pala.
"Ano bang pag uusapan natin?" Tanong niya.
"Akin na ang cellphone mo."
Kahit nagtataka ay sinunod naman niya ako. Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya. Agad kong kinonekta dito ang tracking device na naka-kabit sa damit ko.
Pgtapos ay muli kong ibinalik ang cellphone niya sa kanya.
"Kapag hindi mo na ako makontak mamaya. Buksan mo lang yang GPS ng cellphone mo. Dyan mo malalaman kung nasaan na ako."
Hindi nagsalita si Calvin. Tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ko.
"Kapag nakuha mo ang eksaktong lugar kung nasaan ako. Saka mo tawagan si Emman. Alam niya na kung anong gagawin. Nag usap na kami kagabi." Dagdag ko pa.
"Tingin mo ba, gagawin nila talaga yun sayo?"
Agad akong tumango na ikinangiwi niya.
"Kaya nga habang nasa party ka kasama sila. Huwag mong iaalis sa mga miyembro nila ang tingin mo. Lalo na kay Malvar at Renzo. Kung may nakita kang kakaiba. Kuhanan mo ng pictures o video. Basta, manmanan mo sila. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Napalunok muna siya bago tumango.
"Sige na. Umalis ka na. Ichat mo ko kapag may kakaiba ka ng napapansin."
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...