CHAPTER 47: Magbabayad.

190 9 0
                                    

Dianne Point of view.

Bumangon ako, pero para bang ang buong katawan ko’y bigat na bigat. Si Blaze ang naghatak sa akin palabas ng kwarto, dahil kung ako lang, baka nanatili na lang ako roon na nakahiga.

Pupuntahan namin si Fujin, malamang siya ang nagligtas sa akin. Dahil kung hindi siya kumilos, baka tatlo na kaming wala ngayon.
Siya lang ang naglakas-loob. Habang ako? Wala akong ginawa kundi magdala ng kamalasan sa kanila.

Hindi na tumigil ang mga mata ko sa pagluha. Hindi ko na rin kayang pigilan. Kahit anong pilit kong huminga nang malalim, mas lalo lang sumisikip yung dibdib ko. Parang may kamay na mahigpit na sumasakal sa puso ko, paulit-ulit. masakit.

Bakit hindi ako makaalis dito? Tapos na. Ligtas na kami.

Malaki yung pagbago ko. Kahit ako, hindi ko na kilala yung sarili ko. Kaya natatakot ako na baka.. baka mabaliw ako, paano nalang si Blaze?

Gusto kong itanong sa doktor kung anong nangyayari sa akin, pero...ayaw kong marinig ang sagot.

Tinignan ko lang si Blaze pero hindi siya naglakas loob na tanungin ako, kung bakit umiiyak pa rin ako. Siguro pinipilit niya pa rin akong intindihin.

Pinilit kong itulak ang takot palayo habang dahan-dahang binuksan ni Blaze ang pinto ng kwarto ni Fujin.

Naroon sila Dark at Wynter. Nakaupo, nagbabantay. Nag-aalala.

Ako ang dahilan kung bakit siya sugatan. Kung hindi lang ako nagpakatanga... Kung hindi lang sana ako pabigat—

Gusto kong bumagsak at mawala na lang na parang alikabok.
Pero hindi ko kayang gawin.
Hindi ko kayang iwan si Blaze.
Kahit alam kong mas magaan ang mundo nila kung wala ako.

Napakagat ako sa pangibabang labi ko, pinipilit pigilan ang mga luha, pero tuloy-tuloy pa rin ang agos. Ang sakit-sakit. Hindi ko na kaya.

“Fujin…” sabi ni Blaze, pero malayo ang tingin ko.

Napailing ako. Ang init ng pisngi ko, ang hapdi ng lalamunan ko. Wala akong ibang maramdaman kundi bigat at lamig.
Sa bawat tibok ng puso ko, parang may boses sa loob ng utak ko na sumisigaw:

“Kasalanan mo 'to. Ikaw ang dahilan kung bakit siya sugatan. Kung nawala ka na lang sana, ligtas siya ngayon. Bakit ka pa nandito?”

At bago ko pa namalayan, sinampal ko ang sarili ko—isang matunog na hampas na nagpatahimik sa kwarto.

“Dianne!” sigaw ni Blaze.

Sinampal ko ulit yung mukha ko nang mas malakas. Pero bago ko pa maulit, hinawakan na ni Blaze ang kamay ko.

Nakatingin silang lahat sa akin siguro naiisip din nilang kasalanan ko lahat. Siguro nga, siguro nga kasalanan ko.

“Huwag mo nang saktan ang sarili mo,” mahigpit akong niyakap ni Blaze.

“Maawa ka naman sa sarili mo.”

"Hindi ko kaya... H-Hindi ko kaya! Kasalanan ko, Blaze… S-Sorry... dahil sa akin, d-dahil sa akin malapit na siyang mamatay!" Bumagsak ang boses ko.

Nawala ang lakas sa mga binti ko. Kung hindi ako nakayakap sa kaniya, tuluyan na akong bumulusok pabagsak sa sahig.

"Kasalanan ko. Kasalanan ko lahat."

"Wala kang kasalanan Dianne, gusto lang talaga kitang iligtas. Ikaw yung dahilan kung bakit.... nagkita kami ulit magkakaibigan. Malaki ang naitulong mo sa amin." nakangiti ngunit hindi ko maiwasan ang masaktan sa sinabi ni Fujin.

Hinila ako ni Blaze sa dibdib niya, mahigpit na parang hindi niya ako kayang bitawan. Pero kahit gaano kahigpit ang yakap niya, hindi nito mapawi ang sakit. Hindi nito kayang burahin ang bigat sa puso ko.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}Where stories live. Discover now