CHAPTER 45: The Evidence

183 9 0
                                    

WYNTER POINT OF VIEW

Saktong-sakto naman ang pagdating ng mga bumbero at ni Dark.

“DIANNE! WYNTER!” Mabilis niyang sigaw, puno ng takot at pangangamba yung mukha niya.

Nakita niya ang luha sa mga mata ko, kaya nakita ko kung paano nag-iba ang reaksyon niya. Mula sa galit at pagkaalarma, unti-unting bumagsak ang mukha niya sa kawalan ng pag-asa.

“Si Fujin?! Tangina! NASAAN SI FUJIN?!” sigaw niya agad. Ramdam ko ang panginginig ng buo niyang katawan. Namumula na ang mga mata niya, at boses niya’y paos pero puno ng poot. Napahikbi ako, kaya mabilis ding nagpatulo ang mga luha niya.

“Shit!” mura niya, malalim, puno ng kirot. Walang pag-aalinlangan, pumasok siya sa loob ng naglalagablab na apoy. Sinubukan ko siyang tawagin para pigilan.

“Dark!” Sigaw ko, umaasa na mapatigil siya, pero hindi siya nagpaawat.

Parang sumikip ang dibdib ko. Para akong patay na hinihila pa rin ng buhay. Para akong batang iniwan ng nanay ko—walang lakas, walang magawa kundi umiyak habang nagdadasal sa isip.

Fujin... Fujin, s-sorry...

Buti na lang at may kasamang ambulansya ang mga bumbero. Mabilis nilang kinuha si Dianne mula sa mga braso ko.

“N-Nahimatay lang po siya, p-pero m-may nasa l-loob pa po! T-Tulungan niyo po sila! T-TULUNGAN NIYO YUNG MGA TARANTADO KONG KAIBIGAN!” Napasigaw ako, halos mapatid ang hininga sa bawat salita.

Tarantado sila, oo. Pero mahal na mahal ko sila. Mga gago sila, pero sila ang mga kapatid ko. Ang dami na naming pinagdaanan. Kaya sana, sana naman... bumalik sila. Buhay.

---

DARK POINT OF VIEW

Nang makapasok ako sa loob gamit ang back door, sumalubong agad sa akin ang init at makapal na usok.

BOOM!

Isang pagsabog ang yumanig sa paligid, at halos mapaso ako nang sumabog ang hangin sa harapan ko. Napasigaw ako sa gulat, pero itinakip ko agad ang braso sa bibig ko.

Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Halos hindi ko na makita ang sahig sa kapal ng usok. Wala akong makita.

WALA SI FUJIN.

No.

No... Hindi pwede ‘to.

“FUJIN!” Malakas kong sigaw, pero wala akong narinig kundi lagaslas lang ng apoy at pagbagsak ng mga kahoy sa paligid.

Shit. Shit.

Halos mabaliw ako sa kaba.

“Tangina mo, Fujin! Nasaan ka na ba?!” sigaw ko, nanginginig na, luhaan pa.

Ramdam ko na ang takot na pumapatay sa akin nang marinig ko siya. Isang mahina, pabulong na boses sa gitna ng dilim.

Mabilis akong lumingon. Doon ko siya nakita—gumagapang, mahina pero buhay. Malapit lang siya sa pinto na parang sinusubukang iligtas yung sarili. Dahil doon ay nanghina siya. Kitang-kita ko kung paano siya ngumiti ng mahina sa akin.

“FUJIN!” Sigaw ko sa pangalan niya habang nagmamadali akong lumapit.

Iniangat ko siya, pero para akong binuhusan ng yelo nang madama ang bigat niya. Shit, ang bigat niya! Sobrang laki ng katawan niya—punong-puno ng muscle mula sa taon ng pagbubuhat at trabaho sa construction. Pero wala akong pakialam. Kahit pa kalabanin ko ang buong mundo ngayon, bubuhatin ko siya.

Lumakad ako nang mabilis, halos takbuhin ko ang pinto at malapit nang lamunin ng apoy ang daanan.

Nang makalabas kami, isang malakas na pagsabog ang sumunod. Napaatras ako sa biglaang pagliyab ng apoy, halos sumabog na rin ang puso ko sa takot.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}Where stories live. Discover now