DIANNE POINT OF VIEW
"Dianne!" tawag ng isang pamilyar na boses, at mabilis niya akong pinatayo at inilahad ang inhaler sa bibig ko.
Tinignan ko muna si lola na siyang dala-dala ang extrang inhaler. Matagal na siyang may dala-dalanv extra sa bag niya o bulsa kahit saan siya magpunta.
"Dianne, ibuka mo ang bibig mo," utos ni lola, ang boses ay puno ng pagaalala.
Hinaplos ni Lola ang inhaler at sinigurado niyang may laman ito.
"Shake mo muna, apo," sabi niya habang tinatanggal ang takip. Inalog ko ito ng ilang beses at inilipat ko ang tingin ko kay Lola, na nakamasid sa bawat galaw ko.
"Breathe out ka, Dianne," paalala niya, kaya't huminga ako nang malalim at binuga ang lahat ng hangin mula sa aking katawan.
"Now, inhale slowly," sabi ni Lola, habang inilalapit ang inhaler sa bibig ko. Inilagay ko ito sa bibig ko, at sabay namin pinindot ang inhaler, kaya't lumabas ang gamot habang ako’y humihinga ng dahan-dahan.
Tumagal ng ilang segundo bago ako dahan-dahang huminga ulit.
"Okay na," sabi ni Lola nang matanggal ko ang inhaler mula sa bibig ko.
Tumango nalang ako at tumayo naman agad si lola, napaluhod na rin kasi siya para pantayan yunv height ko at nilapitan niya si Janice.
"Mapapatay mo na siya sa ginagawa mo!" sigaw ni lola.
Sakto naman ang paglapit nila dad at ang mga tita ko, nagulat din sila. Siguro’y pauwi na sila kaya hindi nila inaasahan ang nakikita nila.
Mabilis namang tinago ni Janice yung dala niyang kutsilyo kaya hindi ito nakita ni Dad.
Malakas na sinampal ni lola si Janice. Narinig ko pa ang pagkagulat nila tita at dad.
"Tama nga ang sinabi sa akin ng anak mong lalaki, walang hiya kang ina! GUSTO MO BANG PATAYIN ANG APO KO HUH?" sigaw pa rin ni lola kaya hindi ko na napigilan yung luha ko.
"Dianne!" sigaw ni Dark at Blaze nang sabay at sabay din silang lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo.
"Kitang-kita ko kung paano siya humingi ng tulong sa’yo na hinawakan niya pa yung paa mo para humingi ng tulong pero anong ginawa mo!? Hinayaan mo siya! Kunti-kunti nalang pwede mo nang mapatay yung apo ko!" hagulgol ni lola kaya hindi ko na rin mapigilang mapahagulgol.
"Masaya pa ako kasi nakikita kong masaya yung apo ko, pero hindi! Kung ganito lang din naman yung ginagawa mo sa kaniya. Mabuti pang iuwi ko nalang siya." huling saad ni lola bago ako nilapitan.
"Bitawan niyo siya! Iuuwi ko na yung apo ko!" Sigaw ni lola, galit na galit.
Napahimas siya sa buhok ko habang naluluha pa rin yung mga mata niya.
"Sorry apo, akala ko magiging masaya ka... Akala ko magiging masaya ka kapag may kumpleto kang pamilya pero nagkamali ako... Paumanhin sa nagawa ko." naiiyak niyang saad.
Wala na akong pagdadalawang isip at niyakap ko na siya.
"Lola, okay na ako. o-okay lang ako. Nagalit lang po siya sa akin... m-may nagawa po kasi akong mali." pagsisinungaling ko.
Hindi ko alam pero ayaw kong umalis dito, gusto kong malaman ang totoo. Gusto ko malaman... ang dahilan kung bakit ako—bakit ako yung naging dahilan ng galit at sakit niya.
Hindi ko rin masyadong maintindihan yung sinabi niya kanina kaya gusto kong maliwanagan.
"Apo naman!" lola.
"Lola, maniwala po kayo sa akin. I’m okay, hindi naman ganito yung eksena lagi. Kung gusto mo, bantayan mo nalang ako dito. Dito ka nalang po tumira." sagot ko.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...