KINABUKASAN.
Pagkagising ko ay laking gulat ko nang makita na naman si Blaze na nakaapron at wala pang shirt.
Like nakaapron lang talaga siya at 'yon lang ang suot niya sa taas syempre may short siya ano ba kayo.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Pinagsisilbihan ka bossing." saad niya sabay kindat pa.
Mabilis niya akong nilapitan at pinaupo niya ako sa mesa para siguro kumain ng breakfast.
"Bumabawi ako, kahapon kasi naiwan kita habang tulog ka kaya ito bumabawi ako."
Napangiti naman ako sa ginagawa niya bwesit! Ang lakas ng tama...
ng utak niya.
"Okay then waiter!" pangaasar ko.
"Hindi ako waiter, husband mo ako. Call me darling then I will give you your food madam." hindi nalang ako makapigil ng tawa kasi naman! Ang lakas na naman ng trip niya ngayon.
Ano na naman kaya ang nakain niya? HAHAHAHA
"Okay darling, give me the food." saad ko.
Nakita ko naman siyang napangiti. Habang dala-dala niya yung niluto niya ay nakangiti pa rin siya.
"Bakit ka nakangiti?" nakangiti ko ring tanong.
"Natanggal angas ko sa darling mo, akala ko kasi hindi mo gagawin." natatawa niya pang sabi.
tumawa nalang din ako.
"Darling, darling~~ my darling~" saad ko sa malumanay na boses at nakita ko lang ang pamumula ng tainga niya.
"Tama na baka mahalikan kita." birong saad niya.
"Ang landi mo! ipapaalala ko lang sa’yo. Hindi ako easy to get at nanliligaw ka pa lang." saad ko.
"Oo na, hindi na kita hahalikan without your permission madam baby. Baka hindi ka makahinga the second time na halikan kita." bulong niya na narinig ko.
Madam baby!?
Daming call sign namang naiisip ng isang ’to.
"Oh siya tikman ko na darling." pangaasar ko pa rin at tinakman ang niluto niya.
"Wow! Masarap." compliment ko at kumain ng marami.
"Mas masarap pa ako diyan." bulong niya na naman na narinig ko.
"Ano yun Mr. Knight!?" tawag ko na sa second name niya.
Halata naman sa mukha niya ang gulat dahil tinawag ko siya sa second name niya.
"I love you." biglaang confess niya na nagpapula sa pisnge ko nyeta!
Sana pala hindi nalang ako umamin baka ako pa yung mahihimatay sa kilig sa amin eh.
"I don’t love you!" sigaw ko para mang-asar.
"Oh really? Why does it seem like your face is showing something else? It’s turning red."
Hinawakan ko yung pisnge ko at ayun sobrang init nga!
"Blush on lang ’to ano ka ba!" sigaw ko ulit at napainom ng tubig.
"Whatever." saad niya lang at bumalik sa kusina kaya sinundan ko lang siya ng tingin.
Napaiwas naman ako agad nang makitang inaalis niya yung apron pero wala pang ilang seconds ay binalik ko agad ang tingin sa kaniya.
Nakita ko kung paano niya inalis ang tali nung apron hanggang sa naalis na ito sa katawan niya.
Naku, nakita ko tuloy 'yung biceps at abs niya! Grabe, parang nililok ng Diyos, bawat detalye ng katawan niya ang ganda. 'Yung biceps niya, ang tibay tingnan, at 'yung abs niya, parang sinukat sobrang perfect!
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...