CHAPTER 29: Bangkay

110 10 0
                                    

Blaze Point of view.

Nandito ako sa meeting at hindi ko na nakita si Dianne na gumising dahil maaga ang nangyaring meeting.

Napatigil naman yung nagsasalita sa harap nang biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at in-off muna dahil hindi pwedeng matigil yung meeting.

"Continue." saad ko lang after kong i-off yung phone ko.

Nang matapos na ang meeting ay mabilis akong umalis sa meeting room at lumayo doon para buksan ang cellphone ko.

Baka si Dianne yung tumawag.

Nang makita kong hindi ito si Dianne ay napakunot ang noo ko dahil unregistered number ito.

Tatawagan ko na sana ulit yung phone number na iyon nang may magsalita sa likuran ko.

"Nakita mo na ba yung leader ng Dark Viel?"

Napalingon ako agad nang may magsalita sa likuran ko.

"Tristan!?" gulat na sigaw ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot kaya nandito ako. So ano? Nakita mo na ba yung leader nila?" tanong niya ulit.

"Ikaw pala yung tumawag? I mean busy kasi ako kaya hindi ko pa natatanong sila Fujin."

"Hindi niyo man lang sila prinotektahan!? Fuck hindi niyo kilala ang kinakalaban niyo! Baka ngayon nakalutang na sila sa ilog!" sigaw nito kaya mabilis kong hinatak ang kamay niya para makalayo doon at lumabas kami ng kompanya.

Nang wala na akong makitang tao ay sinagot ko na siya at nilingon.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko.

"I know you get it! Baka patay na sila!" sigaw niya.

Napataas naman ang kilay ko at nang matauhan ako ay mabilis kong binuksan ang cellphone ko at tinawagan si Dark.

I know wala na siyang trabaho sa umaga dahil sa gabi na siya ngayon palaging nakaduty.

"Dark! Anong balita sa kanila?" tanong ko.

"Kasama ko sila, nabugbog lang ng kunti pero buhay pa naman sila." sagot ni Dark.

Nakaloud speaker iyon kaya rinig na rinig ni Tristan.

"Magkita tayo, kasama ko si Tristan." saad ko.

"Hindi pa pwede, may nakabantay sa kanila kaya hindi ko muna sila nilapitan at nandito lang ako nakamasid sa kanila sa malayo." sagot ni Dark.

"I told you isang palpak lang niyang dalawang ’yan mamamatay ’yan! Kaya kung ayaw niyong mawalan ng kaibigan, palayuin niyo na sila." sagot naman ni Tristan.

---

Dianne Point of view.

Nandito ako lugar na binigay nung Direk ShaSha sa akin.

Nang makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa akin habang nakangiti.

"So gagawin mo na ba?" tanong niya.

Tumango nalang ako bilang tugon sa tanong niya.

"Okay! Basahin mo muna yung script na binigay ko sa’yo at memorize your parts, may ilang minutong eksena ka ngayon na itatake with your mom. Wala kang linya na sasabihin kaya pwede kang makasali sa taping ngayon. Staffs! Ayusan niyo ’to!" sigaw nito.

What? Bakit biglaan naman ata!?

Pero bahala na!

Kinuha ako nung isang bakla at dalawang babae at pinapasok ako sa dressing room. Pinaupo nila ako doon sa upuan at nagsimula na silang mag make-up.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now