Tristan Point of view.
Alam ko yung nangyari kay ate Dianne pero mas nakakabuti na rin yung ginagawa niya. Bakit? Kasi mas lalo lang lalala yung sitwasyon kapag lumabas siya.
Alam na nila tita na buhay pa siya. At ako? Wala silang magagawa sa akin. Palagi akong may kasamang bodyguards kahit saan ako mapadpad. Mas dumami pa nga nung nalaman ni Dad ang nangyari kay ate Dianne.
Hindi ko pa sinabi at pinakita kay Dad yung ebidensiya dahil may plano ako. Plano kung ipaalam kay Dad habang nandito yung mga tita sa loob ng bahay.
Minamanmanan ko rin yung mga maid na nasa loob, mabilis lang din kasi silang makapasok sa loob ng mansion. Malamang, mga tita ko sila eh. Pero nagsasayang lang sila ng pera nila.
Actually plano kong ubusin ang pera niya hanggang sa wala ng matira sa kaniya. Sisiguraduhin kong walang matitira at hindi niya makukuha ang gusto niya. Iyon ang revenge ko.
May isa pa pala.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at napatingin ako sa daming taong nakapaligid sa bahay nila Blaze. Tsk! Parang buong baranggay na ata yung nandito.
Nagsisiiyakan pa, nagmukha tuloy na funeral.
Tinawagan ko si tita Adeline.
"Ready na?" tanong ko.
"Sigurado ka ba dito sa plano mo?" tanong niya.
"Oo, basta galingan mo lang. Nakasalalay sayo ang success ng plan na ito tita."
Binabaan ko siya agad ng telepono at mabilis akong sumakay sa kotse ko, tinignan ko muna for the last time yung bahay bago tuluyang umalis.
Binayaran ko na rin lahat ng maid na huwag silang kukuha ng trabaho galing sa mga tita ko, mas malaki pa sa perang ibabayad nila.
Napangisi nalang ako habang iniisip yung mangyayari ngayong araw.
--
Nandito na ako sa pinagusapan namin ni tita at mabilis kong sinuot yung maskara kong binili na parang maghoholdap basta yun.
Nang masuot ko yun ay lumabas ako sa kotse at pumasok sa loob ng opisina nung Mafia boss.
Napangiti ako ng malawak nang makita ko si tita Adeline kasama si Frederick.
Nawala yung ngiti ko nang makita ang pagmumukha ng lalaking pumatay kay ate.
You.will.pay.for.what.you.did!
Mabilis akong tumakbo, at sa bawat hakbang ko, parang ramdam ko na ang galit ko na siyang nagpapainit pa lalo ng ulo ko. Si Frederick naman ay nakatalikod sa akin dahil sa bilis ng takbo ko ay hindi siya nakareact at
agad ko siya sinipa. Sinipa ko siya diretso sa vital points-sa tiyan, sa dibdib-hanggang sa matumba siya sa sahig. Mabilis, walang paliguy-ligoy, at walang kahit anong konsiderasyon. Sa tingin ko, wala na siyang lakas para lumaban pa.Gusto ko pa sanang suntukin ng suntukin ang mukha niya pero pinigilan ako ni tita.
"Mapapatay mo siya sa kalagayan na 'yan. Hindi kita hahayaang makulong. Tristan, ang plano natin pahihirapan mo lang siya. Huwag na huwag kang pumatay, okay?"
Hindi lang ako sumagot.
"Sagot!" sigaw na ni tita sa akin.
"Oo." walang gana kong sagot at mabilis ko siyang tinalian. Hindi pa siya totally na tulog kaya mabilis at malakas kong sinuntok yung mukha niya. Dahil doon ay napatulog ko siya.
Hindi rin nalaman ni tita kung sino yung spy siguro dahil pinagkakatiwalaan niya si tita Adeline. Sana kapag wala ako dito sana... ligtas si tita Adeline.

YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...