CHAPTER 41: PRESS CONFERENCE

144 8 0
                                    

Dianne's point of view.

"Hahahaha, lasing ka lang pre. Lasing ka lang kaya ka nakakakita ng anghel." Awkward na saad ni Fujin.

Napahinto si Blaze siguro nagulat din sa sinabi ng kaibigan niya. Ipapasok na sana nila Wynter at Fujin si Dark pero hinawi niya yung mga kamay nito at sumigaw.

"Teka lang! Teka..." saad niya at dahan-dahan na lumapit sa akin, napapaatras ako kunti pero hindi ganon kalayo yung inatrasan ko medyo nagulat lang kasi ako sa paglapit niya.

"Kamukha mo yung first crush ko HAHAHAHAHA!" wala sa sarili niyang sabi kasabay pa ng halakhak niya, lasing na nga talaga siya.

Nagulat ako syempre, sino ba yung first love niya? Tsaka may kamukha ba ako? Kambal!? Ehh wala naman akong nakitang kakambal ko kahit saan eh.

"Ahh!! ang sakit ng ulo ko, yung bibig ko soooobraaaang bigat." nagiba naman agad ang topic niya.

Inalalayan na naman siya agad nila Fujin at Wynter pero ganun pa rin, hinawi niya pa rin ang kamay nila na para bang ayaw pa rin matulog.

"Ano ba! May chiks sa harap oh tapos papatulugin niyo lang ako? By the way miss, type pala kita. Bigay ko sa’yo number ko teka lang. Kunin ko lang yung cellphone ko, nasaan na ba yun? Nasaan na? Kinuha niyo ba!? Walang kwenta talaga kayong tropa!" sigas niya sabay kapa sa mga bulsa niya pero hindj niya mahanap yung cellphone niya..

"Hindi mo talaga makikita yung cellphone mo, kinuha ko kaya tara na at matulog ka na. Lasing ka lang kaya ka nakakita ng anghel baka sa susunod sa langit ka na talaga makakita ng anghel." banat ni Fujin at mabilis nilang pinapasok si Dark sa loob.

Pumapalag pa siya na para bang ayaw na ayaw niyang sumama pero ginamit na siya ng puwera nila Fujin at Wynter kaya wala siyang nagawa.

Sinundan ko sila ng tingin at nakita ko pang lumingon pa siya sa akin. Napangiti nalang ako, ewan ko ba pero ang cute nung mukha niya nung nilingon niya ako.

Nagpout pa kasi siya bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. Oh diba, cute?

Narinig ko pa nga siya sa di kalayuan na nagsabi ng...

"Ang ganda nung anghel--" saad ni Dark pero hindi na natuloy dahil tinakpan na ni Fujin yung bunganga niya.

"Bakit ang bilis niya atang nalasing?" tanong ko kay Blaze at nilingon siya pabalik.

"Ahh, uminom siya ng isang bote ng beer." sagot lang ni Blaze.

"Matutulog na ako, may isa pang kwarto sa taas. Okay naman kayo magkatabi diba? Sige pasok na rin ako." Paalam ni Tristan sa aming dalawa.

Maglalakad na sana ako papasok nang marinig kong tawagin ako ni Blaze.

"Dianne.." napahinto ako at tinignan siya.

"Ano?" tanong ko.

"Seryoso ka ba kanina? Na si Dark ang gagawin mong manager? Bakit? Bakit siya?" sunod-sunod niyang tanong.

"Kasi hindi naman pwedeng ikaw diba? You have a work, wala na akong ibang choice kundi si Dark." sagot ko medyo naiirita na yung tono.

Ewan ko ba pinaglalaruan ata ako ng sarili kong feelings.

"Walang background si Dark, hindi siya naging manager so bakit siya? At bakit ka nagmamadaling maghanap ng manager, hindi ba pwedeng bukas na lang? You're sk impulsive right now, baka magsisi ka kaya bukas nalang, tutulungan kita!" nakangiting saad niya pero nainis ako.

Nakuha niya yung inis ko.

"Bakit ayaw mo kay Dark? Dahil ba nagseselos ka? BAKIT MO BA SIYA PINAGSESELOSAN HUH!? Kaibigan mo siya! Magkaibigan kayo at kaibigan lang din ang turing ko sa kaniya!" Sigaw ko na walang pake kung may nakarinig sa aming dalawa.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now