CHAPTER 46: The Evidence

135 6 0
                                    

Blaze's Point of View

Nandito na ako sa loob ng hospital at nakita ko agad si Dark na nag-aabang sa labas ng room ni Dianne.

Papasok na sana ako nang bigla akong kinuwelyuhan ni Dark. Nagulat ako. Galit na galit siya-parang maiiyak na rin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yung galit niya.

"Nasaan ka? HABANG UNTI-UNTI SIYANG PINAPATAY NG MGA TITA NIYA, NASAAN KA!?" Sigaw niya, basag ang boses. Hindi niya ata alam na hinahanap ko si lola.

Kasama ko si lola ngayon. Hindi siya makagalaw o makareact. Siguro nagulat din siya sa sigaw ni Dark.

"I need to see her! I'm worried! H-Hindi ko alam kung ano'ng nangyari!"

"HINDI MO ALAM!?" Sumasabog ang sakit sa bawat salita niya. "She is your wife! She is your responsibility! Responsibilidad mong alagaan siya, at alam mo naman na may pagbabanta na sa buhay niya. Bakit mo pa rin siya iniwan?"
Naghupa nang kaunti ang galit niya, pero parang sinisisi pa rin ako.

"She's panicking because she couldn't find her lola. Kaya sinabi kong doon muna siya sa bahay habang hahanapin ko si Lola. Hindi ko alam, Dark! Pinatulog ako! Pinlano nilang hindi ko malalaman na nawawala ang asawa ko!"

Napalunok siya ng laway, parang nahimasmasan.

"I'm sorry... Muntik nang mamatay si Fujin dahil sa ginawa nila. Kaya parang nababaliw na ako sa takot. Pasensya na. H-Hindi mo nga pala kasalanan 'yon..."

"Fujin? Anong nangyari? Nasaktan ba siya? Fuck, where is HE!?" Tanong ko, at ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko at kinakabahan nang marinig iyon.

"He's fine. Nakaligtas na siya." Sinubukan ni Dark na panatilihing kalmado ang boses niya, pero ramdam ko pa rin ang tensyon.

"May sunog ang paa niya. Hindi rin siya makalakad dahil sa sprain. Tinanong ko si Wynter kung ano'ng nangyari... niligtas daw ni Fujin si Dianne. Malapit na siyang mabagsakan, pero hinila siya ni Fujin kaya sila parehong natumba."

"Bakit... bakit malapit siyang mamatay?"

"Nahimatay si Dianne. Kailangan pumili ni Wynter kung sino ang ililigtas niya. At sabi niya..." Humugot siya ng malalim.

"Sinabi niya na kailangan niyang iligtas si Dianne para sa'yo. Para mabayaran namin ang mga pagkakasala namin sa'yo." si Wynter na yung tumapos sa salita ni Dark.

Bigla akong napalingon sa pader. Ramdam ko ang pagkabasag ko sa loob. Napapikit ako nang mahigpit, pero hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko.

Shit.

Huminga ako ng malalim para palabasin ang sakit, pero hindi ito nawala.

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Dark. Pumasok na ako agad sa kwarto.

At doon ko siya nakita-si Dianne.

Umiiyak. Nakasandal sa mga unan ang ulo niya at basang-basa ang pisngi niya ng mga luha.

Parang sinakal ako nang makita siyang ganito. Napalunok ako ng laway para sana maalis yung bigat sa lalamunan ko pero parang anytime maiiyak at maiiyak ako.

Bakit siya umiiyak? Masakit ba? O natatakot ba siya?

"Anong nangyari? May masakit ba sa'yo? Tell me, darling, please..." Nanginginig ang boses ko habang hinahanap ko ang sagot sa mga mata niya.

Tumango siya. Pero walang lumabas na salita.

"Okay lang ako," bulong niya sa pagitan ng hikbi.

"Pero... ikaw? Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?"

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now