Tristan Point of view.Nandito na kaming dalawa ni Fujin nasa malayo kami para hindi kami makita at mabilis kaming napatago sa madilim na lugar.
Narinig ko namang sumigaw si Tita at parang galit na galit siguro dahil hindi nila nakita sila Fujin at Wynter.
Mabilis lang silang basahin at oras na para balikan ko sila Wynter bago pa mahuli ang lahat. Gagawin nila ang lahat para mahanap lang sila.
Mabilis kaming bumalik sa kotse at medyo malayo ito dahil ayaw naming ipahalata na nandito kami.
After nyan ay safe naman kaming nakaalis ni Fujin.
"Nakita mo ba yung hinuhukay nila?" tanong nung Fujin.
"Punyeta! Dito lang pala sila nagtatago!" sigaw ko nang makalayo na kami sa lugar na iyon.
"Bakit alam mo ba kung saan ’to?" tanong niya.
"Old house ng Dad ko. Hindi na ito ginagamit at wala na rin ang balak na pumunta pa dito." sagot ko.
"Bakit?"
"Matagal ng abandoned at hindi na rin ginagamit. Kung naisip ko itong puntahan edi sana mabilis kong nakuha ang ebidensiya at yung justice para kay ate!" sigaw ko.
"So anong plano mo?" tanong niya.
Wala akong balak na pagsabihan sa plano ko. Ayaw ko silang sumali dahil kapag marami, malaki ang chance na hindi mangyayari.
"Puntahan na natin si Wynter at magtago na kayo sa sinasabi kong lugar, magiging ligtas kayo dun." yun lamang ang sagot ko.
___
Dianne Point of view.
"Huwag ka nga! Sinisira mo yung moment nung fireworks." sagot ko nalang habang nakangiti.
Hindi na fireworks yung tinitignan ko kundi yung ngiti niya.
Mas kumikining kasi ito kaysa sa fireworks na nasa kalangitan.
"Pero totoo yun, walang halong joke. I love your smile tapos mahal pa kita."
"Tama ka na! tama na ’yang mga cheesy lines mo. Kinikilig na yung tao kaya tama na okay?"
He chuckled lang.
Grabe pati yung tawa niya parang anghel, iba talaga nagagawa ng pag-ibig.
"Ibig sabihin may chance ako na maging sa’yo?" tanong niya pa.
Aba tinatanong pa ba ’yan? Malamang!
"Uhmmmm, medyo. Kunti." saad ko sabay sign na kunti gamit ang daliri ko.
"Ahh kunti, what if sabihin kong ako yung nagset-up nung fireworks?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Eh!? Ikaw? Weh!?" hindi pa makapaniwalang saad ko.
"Ako nga, baka nakakalimutan mo, naka-Black Card ang asawa mo. I can rent anything, I can buy anything you want—even this whole place."
Wow ang yabang talaga!
"Ahh ganun!? Sige nga bilhin mo yung moon para sa akin." pabirong saad ko.
"Sus yun lang?" gago ang yabang talaga.
Nanliliit tuloy ako sa sarili ko, gosh! Wala akong naibigay kahit isa sa kaniya.
"Blaze." tawag ko sakaniya.
"Oh?" tanong niya.
"Next time ako naman, ako naman yung manlilibre sa’yo at next time ako naman yung magrerent ng place na kung saan tayo magda-date. Next time ako naman." nakangiting saad ko.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...