Dianne's Point of View
Nandito na kami sa bahay. Ilang araw na rin ang nakalipas mula noong nangyari 'yon, pero parang kahapon lang. Nasa kwarto ako, tatlong araw na, at wala akong balak lumabas.
Simula noong nakalabas ako sa ospital, hindi ko na binuksan ang pinto. Pinapakain ako ni Blaze sa bintana, sa likod ng kwarto, pero hindi ko man lang ginagalaw yung pagkain. Tatlong araw na akong hindi kumakain, pero bakit hindi ko man lang ramdam yung gutom? Hindi ko rin nararamdaman yung pagod—o baka pagod na talaga ako kaya ganito.
Matagal na akong hindi nakakatulog gabi-gabi, pero ngayon? Tulog nalang ako nang tulog, pero parang hindi ako nagpapahinga, pagka gising ko ganun pa rin, pagod.
Ayoko nang gumalaw. Napapagod na akong huminga kahit wala naman akong ginagawa.
Alam kong nilabas na yung movie. May premiere, may celebration. Dapat masaya ako, pero wala akong nararamdamang kahit ano. Walang saysay. Wala rin akong balak pumunta.
Pinuntahan na ako nila Dark, Fujin, Wynter, pati ni Anastasia at Trevior. Nagsisigaw pa nga si Dark sa labas ng pinto. Pero bakit ko sila pagbubuksan? Bakit ako lalabas? Para saan?
Ang dami nilang nacoconcern, pero hindi ko kailangan ng concern nila. Wala akong kailangan. Wala akong gusto. Gusto ko lang... matulog nang matulog at mawala.
May kumakatok na naman. Kanina pa sila, pero hindi ko na binibilang. Sino ba ngayon? Si Blaze na naman siguro. Madalas siya, pero hindi rin siya nagtatagal. Ibang-iba sa dati-dati, hindi siya umaalis hangga't hindi ako bumubukas ng pinto.
"Dianne, please. Bubuksan mo ba o hindi?" Boses nga niya. Malamig. Pagod na rin siguro sa akin. Napapagod na rin siguro siyang intindihin ako.
Tumulo na naman ang panibago kong luha. Ang sakit eh, ewan ko ba.
Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang yung pintuan. May sapot na yata sa sulok, pero wala akong balak linisin. Hindi ko nga kayang ayusin sarili ko, kwarto pa kaya?
Nang marinig kong naglakad siya palayo, hindi ko alam kung gumaan ba o bumigat yung dibdib ko. Bakit ba parang ang hirap-hirap na?
"Hindi niya ka pa rin pinagbuksan, apo?" boses ni lola yun na parang nagaalala na rin.
Sumandal ako sa pader at huminga nang malalim. Maliit na hangin lang, kasi parang hindi kaya ng baga ko. Ano bang nangyayari sa akin ngayon? Wala. Walang nangyayari, pero para bang lahat ng sakit nandito sa loob ko.
Sa sobrang bigat, natatawa ako. Tumawa ako nang tumawa, pero walang tunog. Katawa-tawa, diba?
Maya-maya, biglang bumukas yung bintana sa likod. Si Blaze na naman. Nakasilip siya, may hawak na pagkain. Mukhang galit.
"Dianne, kumain ka na. Do it sa harap ko, susubuan kita. Lumapit ka sa akin."
Tumingin lang ako sa kanya.
"Kung hindi ka kakain, ipapasok ko 'tong buong plato sa loob."
Nakakuyom yung kamao niya, galit na galit na para bang gusto niya lang ito gawin para pakainin ako. Hindi ako natatakot sa kaniya, pero nalulungkot ako kapag tinitignan siya sa mga mata niya.
Kasi kahit galit yung tono ng boses niya, kitang-kita ko yung sakit sa mga mata niya. Kitang-kita ko kung paano naaawa sa akin yung mga mata niya at wala rin siyang tulog. Kita ko yung dark circles sa mata niya na parang nakikihati rin siya sa sakit na nararamdaman ko.
"Blaze," mahina kong tawag.
"Ano?" nagulat siya dahil first time ko ulit na magsalita.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ko kailangan ng pagkain. Kailangan ko lang ng... wala." Napailing ako.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...