CHAPTER 30: "Ang ganda mo"

108 10 0
                                    

Walang may balak na magsalita sa amin.

"Baka, bangkay iyon ng ate ko." paguulit ni Tristan sa sinabi niya.

"Ate? Diba si Dianne ang ate mo?" tanong naman ni Blaze sa kaniya.

Nagtaka naman sila sa sinavi ni Tristan.

"Oo nga, diba sabi mo kinidnap lang nila yung ate mo. Which is si Dianne so anong sinasabi mong bangkay?" tanong ni Dark.

Nagdadalawang isip naman si Tristan kung sasabihin niya ba yung totoo o hindi.

"May isa pa akong ate, tatlo kami dapat. And pinatay nila si ate nung bata pa kami." sagot lang ni Tristan.

SINUNGALING.

"Ibig sabihin mamatay tao sila?" tanong naman ni Fujin.

"Oo, and they can kill you both if they want to. At hindi sila titigil hanggang buhay pa si Dianne. Hindi sila titigil habang buhay pa kaming dalawa."

"Bakit sino ba sila? Anong kailangan nila? Bakit nasasali si Dianne?" tanong ni Blaze.

"Mga tita namin, kahit ako gusto nilang patayin. Bakit? Kasi gusto nilang kunin ang yaman ni Dad. Sila ang dahilan kung bakit nagkaheart attack si Dad at sila rin ang dahilan kung bakit hindi na makalakad ng maayos si Dad ngayon."

Napanganga nalang ako sa nalalaman ko. Shit! Hindi sila tao kundi hayop sila! Sarili nilang kapatid ginanon nila para lang sa pera!?

"Kailangan ko ang tulong niyo, hindi ko sila kayang mag-isa. Kailangan natin makuha at mahukay kung ano man yung hinuhukay nila. Sigurado akong malaking ebidensiya iyon para sa ate ko."

"Bakit ka nakakasiguradong bangkay 'yon?" tanong ni Blaze.

"Kasi naalala ko yung sinabi nila sa akin. Na wala raw akong makukuhang ebidensiya kasi nakabaon na ito sa lupa. Ibig lang sabihin... binaon na nila sa lupa ang bangkay ni ate." sagot naman ni Tristan.

Naalala ko nga yun, iyon nga ang sinabi sa kaniya nung mga tita namin nung araw na pumunta sila sa bahay.

"Kaya ko yung sarili ko pero please, protect Dianne at all cost. Alam na nilang ipapamana ni Dad kay Dianne lahat ng ari-arian niya kaya posibleng... siya yung unang gusto nilang... (tinignan niya muna ako) patayin." patuloy pang sabi ni Tristan.

"By the way, kung hindi pala namin makukuha ngayong araw si Dianne ay ipupunta na raw yung trabaho namin kay Frederick. At wala silang sinasanto baka anytime pwede nilang makuha si Dianne." Fujin.

"Umalis na kayo, huwag na kayo magpakita sa kanila. May alam akong lugar na pwede niyong pagtaguan. Hindi kayo ligtas kapag pumupunta pa rin kayo roon." Tristan.

"Pero..." magsasalita pa sana si Fujin pero inunahan ito ni Tristan.

"Marami na silang napatay! Kahit yung mga tauhan nila pinapatay nila! Kayo desisyon niyo naman iyon pero ito lang ang masasabi ko. Baka ipapatay na kayo ngayon. Kaya kayo sinusundan ng mga tauhan nila dahil ipapatay na kayo!" sigaw naman ni Tristan na parang kilalang-kilala na talaga ang mga tita niya.

"Okay chill, sasama kami sa inyo pero sino ang pupunta sa lugar na kung saan sila naghuhukay? Eh kami lang naman ang nakakaalam sa lugar na iyon." Fujin.

"Samahan ko kayo ngayon, pero hindi tayo magpapakita. Kailangan ko lang i-check kung saan sila naghuhukay." Sagot naman ni Tristan.

"Wait Tirstan, masyadong risky ang plano mo. Baka makita nila kayo." Blaze.

"Dalawa lang dapat, isa lang sa kanila ang magtuturo sa lugar para makatago kami. Kailangan ko agad makita ang hinuhukay nila bago magpasko!" Tristan

"Bakit anong meron sa pasko?" tanong ko.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now