Dianne Point of view.
Nandito na kami sa garahe malapit at nagsimula na nga silang magluto ng barbecue. Habang ako nama’y busy kakapanood lang sa kanila.
Kanina pa ako nag ooffer na tulungan ko na sila pero umupo nalang daw ako.
Oh diba princess treatment, ang haba ng hair.
"Ano ba! Doon ka nga, ang init-init dikit ka pa ng dikit sa akin!" napangisi naman ako nang marinig kong isigaw yun ni Dark kay Fujin.
Kanina pa ’yan sila nagbabangayan kahit wala namang dahilan. Ewan ko ba siguro ganiyan sila magbonding. Lalo na silang tatlo nila Wynter, parang sa kanilang apat si Blaze yung pinaka nonchalant.
"Kukuha nalang ako ng plates." saad ko para sana tumulong.
akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko nang magsalita si Dark.
"Ako na, diyan ka na lang." saad niya lang at iniwan si Fujin na siyang naghihirap paapoyin yung niluluto.
Si Blaze naman ay kasama si Wynter na tinutusok yung mga manok, hatdogs at yung ibabarbecue mamaya.
Nakakapanibago nga si Dark, halos hindi na ako makagalaw dito sa inuupuan ko dahil lahat ng sinasabi ko siya na raw yung gagawa.
Kumuha nalang ako ng cellphone at natignan ko naman yung mukha ko sa reflection ng screen kaya binuksan ko yung camera ng phone ko at tinignan yung mukha ko doon.
Shuks! Kitang-kita na pala yung eyebags ko. Hindi kasi ako nagretouch ng make up kanina pa.
Kumuha ako agad ng concealer sa bag ko at nagretouch nalang muna. Ayaw kong makita ni Blaze yung eyebags ko. Baka magaalala lang yun.
Pagkatapos kong mag-retouch, binuksan ko ang camera ng phone ko at binack cam para mag take ng pictures. Napansin kong bumalik na rin pala si Dark.
Napangiti ako habang pinagmamasdan sila sa screen—masaya at abala sa ginagawa nila. Dahil doon, naisipan kong kunan sila ng ilang litrato. Mabilis akong nag-take ng pictures, sunod-sunod, hanggang sa napuno na ang gallery ko ng mga kuha nilang magkasama. Nang makuntento na ako, ibinalik ko ang phone sa bag ko.
Lumipas ang ilang minuto, unti-unting dumilim ang paligid. Gumabi na at naluto na rin nila ang barbecue. Umupo ako sa tabi ni Blaze, habang si Dark naman ay nasa kabila kong side.
Kumakain kami habang umiinom ng beer. Ang saya ng pakiramdam—parang lahat ng problema ay nawala. Madilim na ang langit pero maliwanag ang buwan, kaya hindi ramdam ang dilim.
"Cheers!" sabay-sabay naming sigaw, sabay taas ng mga baso. Narinig ko ang malutong na ting ng mga baso namin na nagdikit-dikit.
"Tamang-tama, one week nalang at matatapos na yung taping ni Dianne. Tama ba ako?" Blaze.
Napatingin naman silang lahat sa akin.
"Ahh oo, malapit na rin siyang ipalabas sa sinehan. Ah, speaking of! Alam mo ba, kailangan ko na rin ng manager! Like, shit, paano ko ba 'to nalimutan? Ang dami kong ginagawa kasi!"
"Baki--" Hindi na natapos ang sasabihin ni Blaze dahil nagsalita na naman ako. Wala akong preno.
"Kasi ganito, sinabihan ako ni direk kanina—actually, kanina pa lang talaga 'to, pero nakalimutan ko kaagad, nakakainis! Sabi niya, sunod-sunod na raw yung events pagkatapos ng taping. Events, Blaze! Sino nga ba yung kilala ko na pwede ko maging manager?" hindi ka pa rin pinapasalita si Blaze nang dagdagan ko na naman ulit.
"Ang hirap kasi, di ba? Ayoko ng iba. Gusto ko 'yung trusted na, kilala ko na, pero sino ba?"
"Sandali lang, ano—"
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...