Dianne's Point of ViewPagkatapos ng Press-Con, nakita ko si Janice, pero hindi kami nagkibuan. Naalala ko pa rin yung pekeng ngiti na binigay niya sa akin kanina.
Ano ba talaga ang nagawa ko sa kaniya? Atat na atat na akong malaman yun.
Tumawag na sa akin si Blaze na susunduin na niya naman daw ako. Nagoverthink naman ako sa mangyayari. Hindi ko alam basta parang may mali.
Ah bahala na! Parang gusto ko magmall ngayon. Gusto kong bumawi kay Blaze kaya ako naman ang gagastos ngayon.
Nagaayos na ako ng mga gamit ko para mag gora na agad kapag nandito na si Blaze since tapos na rin naman kami.
Nandito na nga si Blaze at tinulungan na niya ako sa mga gamit ko. Para tuloy siyang manager ko. Hays, naalala ko na naman yung sinagot ko kanina sa PressCon, huminga nalang ako nang malalim.
Pumasok na kami sa loob ng sasakyan at nanatili lamang ang tingin ko sa mukha niya.
"Blaze," tawag ko sa pangalan niya.
"Hmm?" sagot niya habang nagmamaneho.
"Na...napanood mo ba yung Press conference?" tanong ko.
"May live ba? Sorry sobrang busy ko. Mamaya panoorin ko."
"Pwede bang huwag nalang? Wala rin naming kwenta mga sinagot ko at tinanong sa akin eh. Okay? Sige naaaa~ magtatampo ako sa'yo kapag pinanood mo mukha ba naman akong katawa-tawa."
"Ikaw maging katawa-tawa sa ganda mong 'yan." Blaze.
"Sus, bulero ka talaga!" sagot ko.
"Hindi nga ako nagbibiro, you're beautiful, you're gorgeous darling. Lalo kang gumaganda kapag wala kang make-up." saad niya.
"Sus!" react ko.
"By the way, gagawa pala kami ng bagong product na ibebenta pero wala pa akong idea kung ano yun." paninimula ni Blaze.
Siguro sobrang busy niya ngayon, hindi niya naman ata papanoorin yung walang kwentang presscon.
"What if sunscreen na parang mist for the face, pero nag-a-adjust sa skin mo? Like, invisible shield siya na nagiging mas effective the hotter it gets."
"At what if sunscreen na may built-in hydration na tumatagal buong araw, tapos may anti-inflammatory properties para sa sensitive skin?"
Napatingin naman siya sa akin at manghang-mangha.
"Pwede nga 'no, thank you. Gagawin ko 'yan kahit abutin man ako ng 6 years sa paggawa tapos ikaw yung magiging model o sponsor hahaha."
"Dapat lang gagamitin ko talaga yun pero dapat effective ha!"
"Oh sige since tinulungan mo ako so... saan tayo pupunta? Yung gusto mo naman ang gagawin ko." tanong niya, puno ng excitement.
"Mall! Gusto ko magbili ng luxury brands! Syempre pera ko yung ibibili ko! May sweldo na ako eh!" excited kong sagot.
"Wow, sige tara!" tugon niya, na para bang kasing saya ko rin.
Nasa luxury section na kami, at walang cart dito, kaya't ginamit ko na lang si Blaze bilang cart ko.
"Blaze, ready ka na?" tanong ko, kaya napakunot ang noo niya, ngunit hindi ako pinansin.
Ngumiti lang ako at naglakad patungo sa mga bags. Nang makita ko ang isang pink na bag, agad ko itong kinuha nang hindi tinitignan ang presyo at pinahawak kay Blaze.
Isa, dalawa, tatlo, apat, at limang bags na ang nahawakan ko. Sunod-sunod lang.
"Malaki ba sweldo mo, huh? Bakit mo binili lahat ng 'to?" tanong niya, may halong pagkabigla.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...