CHAPTER 35: Revealation

157 10 0
                                    

Tristan Point of view.

Mabilis kong kinuha yung phone ko at nagtago sa loob ng kwarto. Sinigurado kong walang kahit kunting ingay ang ginawa kong pagtago para hindi nila marinig.

Narinig ko naman ang takong ng sandal ng dalawang tao, si Mom and tita na siguro'y hinahanap kung saan galing ang tunog na iyon.

"Narinig mo yun diba?" tanong ni tita.

"Baka... si Tristan lang, kwarto niya ’to eh."

Mabilis akong nagpaas-if na may hinahanap sa bag ko at nilagay ng mouse ng laptop ko sa sahig para magpanggap na nahulog ito.

Pagkabukas ni tita nung pinto ay nag-acting na ako na kinukuha yung mouse na nasa sahig at tinignan ko siya na parang nakasalubong yung kilay ko.

"Bakit?" painosenteng tanong ko kay tita.

Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Wala lang, I just want to check your room. Ohh ang ganda, puro gray." acting nito.

"Tapos ko na po ba? Nahanap ko na po kasi yung hinahanap kong gift sa bag ko." pagpapanggap ko.

Buti nalang talaga at nandito pa yung gift box na ginawa ko kagabi.

"Okay, alis na kami."

Nang masarado na nila yung pinto ay napaupo nalang ako sa kama ko. Shit, yung tuhod ko nanghihina. Malapit na yun ah.

Magaling lang akong magtago pero hindi ako magaling magsinungaling.

Napahinga ako ng malalim, buti nalang talaga at anak ako ng actress at namana ko yung kagalingan niyang mag acting kasi kung hindi... edi wala na finish na yung plano.

____

Dark Point of view.

Shit naman na party ’to! Ang boring!

Wala lang akong gana na lumabas sa venue dahil sa daming tao.

Napahinga ako ng malalim dahil ang ganda ng simoy ng hangin dito sa labas. Hindi aircon kundi fresh air.

Naisipan ko nalang din na tawagan sila Fujin at Wynter dahil wala naman akong magawa sa buhay, tsaka miss ko na rin sila.

"Oh?" walang modong sagot ni Fujin habang nakatampisaw pa siya sa swimming pool alas dose ng tanghali grabe ha!

"Hoy Fujin, ang sarap ng buhay ah? Parang hindi halatang nagtatago." biro ko nalang.

"Ang init kaya! Tsaka free foods pa kami dito. Ito yung buhay na gusto ko, enjoy- enjoy lang eh ikaw nasaan ka ba? Bakit ka nakaformal attire?" tanong niya kaya pinakita ko naman yung buong paligid.

"Nandito at ikakasal na ako."

Narinig ko naman siyang napabangon at nawala yung chill² niyang moment.

"Ano!?" Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

"Wala, practice lang." pabiro kong saad kaya nakita ko naman siyang nakasalubong ang kilay.

"Eh si Wynter nasaan?" tanong ko.

"Wynter!?"

Napalingon naman ako agad sa nagsalita at napababa ako agad ng tawag dahil sa gulat.

Nakita ko naman ang isang nasa 30's na ata na babae.

"Bakit?" tanong ko nang makita siyang gulat na gulat sa pagbanggit ko ng Wynter.

Wag mong sabihing... isa siya sa mga tita ni Dianne!?

Nansilakihan agad ang mga mata ko nang marealize yung nangyari.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now