Dianne’s Point of View
[HOW MANY MONTHS HAVE PASSED]
Bumalik na sa normal yung buhay ko. Hindi na ako palaging nasa opisina ni Dad kasi mas nakatutok na ako sa acting career ko ngayon.
Hindi pa rin tapos yung shooting ng movie namin, pero medyo nakikilala na ako ng mga tao dahil sa mga media at mga photos na kumakalat sa social media.
Hindi na rin kami nagpapansinan masyado ni Janice, pero so far, okay naman na siya.
Actually, gusto kong malaman yung totoo, yung side niya, at kung bakit siya galit sa akin. Pero ilang buwan na ang lumipas, at ganun pa rin, bigo akong makuha ang impormasyon.
Kahit i-search mo siya sa media, wala kang makikitang ibang info kundi yung mga sponsorships at kasikatan niya. Wala talaga siyang bad image sa media, kaya nga sikat na sikat siya.
Hindi na rin nagparamdam yung mga tita at sila Wynter at Fujin. They're safe and even better now according to them.
Ilang buwan din nanahimik yung mga tita pati na rin si Janice, kaya nakakapagtaka. Ano kaya yung plano nila?
Hays, nakakastress lang kung iisipin pa natin yun, kaya back to reality tayo.
Nandito na kami sa last week of shooting ng movie. Mabilis lang kasi 1-hour duration lang naman yung movie, at nasa last scene na yung itataping namin.
Hindi pala ganun kadali maging artista. Grabe, kahit 1-hour lang yung movie, sobrang nakakapagod yung shooting!
Kahit hindi ako main lead dito, I can really say na nakakapagod, lalo na kapag naging main ako. Siguro 10 times pa yung pagod sa taping.
Kaya naintindihan ko na rin yung sinabi ni Janice na hindi natitrigger yung trauma niya dito. Malamang! Halos buong araw kang walang pahinga, tapos kapag nagpahinga ka, bagsak yung katawan mo sa sobrang init at pagod sa set.
Namimiss ko na asawang boyfriend ko, pero mamaya pa matatapos yung taping kasi nadelay!
Bwesit!
Yung trip to Japan pala namin ni Blaze ay malapit na! Excited na nga ako para doon eh.
Gusto kong ikutin ang buong mundo kasama siya. Puro na lang talaga si Blaze ang nasa utak ko. Shit, need ko pa pala magmemorize ng script!
Babasahin ko na sana ang script ko nang may umingay sa labas. Mabilis akong nairita, ewan ko ba, basta nakakainis yung ingay!
Lumabas ako at bigla na lang akong sumigaw.
"ANG INGAY!" sigaw ko, kaya nagulat naman yung mga staff at napatingin silang lahat sa akin.
Doon ko lang narealize yung ginawa ko. Nagi-guilty tuloy ako sa bigla-biglang pag-iba ng mood ko. SHIT!
Matagal ko nang napapansin ‘to, at ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog, pero energetic pa rin ako. Mas energetic pa nga ako kapag walang tulog kesa sa meron eh.
"S-Sorry, nagme-memorize kasi ako ng script kaya kailangan ko ng konting katahimikan. Thank you, and sorry ulit. Hehe." pagpapaumahin ko.
Shit! Bakit pa bigla-bigla na lang nag-iiba ang mood ko? May sakit na ba ako?
---
DARK POINT OF VIEW.
Wala akong trabaho at wala akong gana magtrabaho, kaya sumama na lang ako kay Tristan. Namili siya ng mga stocks para sa mga gago kong kaibigan.
"Hoy, bata, mayaman ka ba?" tanong ko sa kanya nang makita ko yung mga carts ng mga pinamili niya.
Isa... dalawa... tatlo... apat... limang carts!?

YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...