CHAPTER 39: Friendship Moment

153 8 0
                                    

Dianne's Point of View

Pagkatapos ng shooting, nakita ko si Janice, pero hindi kami nagkibuan. Pansin din ng ibang staff ang agwat namin sa isa't isa, pero sinabi ko na hindi naman kami ganito sa bahay.

Ang rason ko na lang ay para magseryoso kami sa set at sa shooting, pero ang totoo, hindi naman talaga kami okay.

Nag-text na rin ako kay Blaze na matatapos na kami, kasi gusto niya akong sunduin.

Nagaayos na ako para ready to go na since tapos na rin naman kami.

Biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Dianne." Napalingon ako kay Direk nang magsalita siya.

"Kapag nailabas na ang movie, baka kailangan mo na ng manager, lalo na't marami tayong events na pupuntahan. Mas magiging maayos ang lahat kung may mag-aasikaso sa schedule mo."

"Uhmm, pwede po bang kakilala ko lang?" tanong ko.

"Pwede naman kung kilala mo na sila talaga. Pero, Dianne, totoo bang may asawa ka na?"

Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

"Ibig ko sanang sabihin, hindi naman sa masama na may asawa ka, pero papangit kasi ang image mo sa madla kung malalaman nila ang tunay mong status. Baka... kumunti ang fandom mo, lalo na't mas sikat ngayon yung mga 'ships'."

"So, ano po ba ang gagawin ko?" tanong ko.

"Kapag tinanong ka ng presscon bukad tungkol sa status mo, sabihin mo na lang na single ka. Iyon lang ang maipapayo ko sa'yo. Lalo na't magaling ka at may potential na sumikat."

Napahinga ako nang malalim nang marinig ko iyon kay Direk.

__

Nandito na ako sa kotse ni Blaze at bitbit ko pa rin yung sinabi ni Direk sa akin. Kaya ko ba? Kaya ko bang ideny sa lahat si Blaze?

Pero kilala na rin naman siya ng mga tao lalo na nung nagpapresscon ang Wulan hindi ba?

Huminga nalang ako nang malalim.

"Okay ka lang?" tanong ni Blaze.

"Uhm, okay lang ako." sagot ko.

Kilalang-kilala na niya talaga ako. Walang ibang tao ang kilalang-kilala ako kundi siya lang kaya hindi ko kayang ideny siya para lang sa fandoms.

Ah bahala na! Basta ang importante nandito si Blaze, magkasama kami!

Hindi naman siguro siya magagalit?

"Okay ka lang ba talaga? Parang kanina ka pa hindi umiimik, nakakapanibago." tanong ni Blaze, may pagkabahala.

"Okay lang ako, medyo tiring kasi yung shooting, pero okay lang, ikaw naman yung pahinga ko." sagot ko, pilit tinatago ang pagod.

Narinig ko siyang nag-chuckle, at napangiti rin ako kahit medyo pagod na.

"So, saan tayo pupunta?" tanong niya, puno ng excitement.

"Diba nandoon sila Tristan sa lugar nila Wynter at Fujin, punta tayo dun!" excited kong sagot.

"Sure? O sige tara!" excited niya ring turan.

Tinawagan na niya si Tristan para tanungin kung nasaan sila at yung address at sinagot naman siya ni Tristan.

Nandito na kami on the way.

Gusto ko rin kasi silang makabonding kahit isang beses. Sobrang tagal na rin ng huli naming pagkikita!

"Bakit mo naisipang puntahan sila?" he asked.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now