Blaze point of view.
Umaga na naman, panibagong araw na naman pero wala man lang paramdam si Dianne. Hindi pa rin siya lumalabas at hindi pa rin ako nakakatulog ng maayos.
Naiintindihan ko pa rin siya pero ramdam ko rin yung sakit eh. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan siya. Kapag umiiyak siya, naiiyak din ako.
Alam kong dapat maging matatag ako sa mga panahon na ito pero hindi ko kaya!
Paano ako lalaban kung yung taong dahilan kung bakit ako lumalaban ay sumusuko na?
Pinunasan ko yung luhang hindi ko na ramdam na pumatak pala.
Pumunta ako sa bahay ng dad ni Dianne dahil may itatanong sana ako kay Tristan nang mapatigil ako nang makita ko si Janice. Yung nanay ni Dianne.
"Breaking news! Ang serial killer na si Mr. J, na kilala bilang Drake, ay nakatakas mula sa piitan! Ayon sa ulat, naganap ang insidente hatinggabi nang biglang nawalan ng kuryente sa presinto, at lahat ng pulis na naka-duty ay misteryosong nakatulog. Habang ang karamihan ng mga nakakulong ay nanatili sa selda, dalawa silang nakatakas - isa rito ay si Alias Armando, na nakulong dahil sa kasong panggagahasa."
Nagulat ako. Pero mas nagtaka ako sa naging reaksyon nung mom ni Dianne, bakit siya mukhang takot na takot?
Wait...
Huwag mong sabihing...
Nansilakihan ang mga mata ko nang marealize ang balita. S-Siya yung t-tatay—hindi! Siya yung nangrape sa kaniya?
Dapat lang hindi lumabas si Dianne ngayon! Tatakbo na sana ako pabalik sa bahay namin ni Dianne nang biglang tumunog ang phone ko.
Anastasia is calling me.
"S-Si Drake ba yun? S-Seryoso? N-Nakatakas siya? Blaze! Si Trevior. Wala dito si Trevior sa bahay ko. UGH! Sumasakit yung tiyan ko, B-Blaze, s-sorry but please can you help us? help me find my husband! H-Hindi ako mapakali, b-baka b-bumalik siya para patayin kami! BLAZE!"
"Kumalma ka please, papunta na ako diyan. Okay papunta na ako diyan. Huwag kang aalis! Baka mapano yung baby niyo! Please makinig ka sa akin, huwag na huwag kang aalis diyan pupuntahan kita!" sigaw ko at binaba ang tawag.
SHIT! paano naman si Dianne!? Paano yung asawa ko? Shit hindi naman siguro siya lalabas diba?
Sana nga.
Tumakbo ako papasok sa bahay namin at kinausap si lola.
"Bantayan niyo po siya, huwag kayong aalis dito okay? B-Bumalik si Drake, huwag kayong lumabas lola please, bantayan mo muna yung asawa ko." tumango lang si lola kaya mabilis akong pumasok sa sasakyan ko at mabilis kong pinaandar.
JANICE POINT OF VIEW.
Nahulog ko yung baso ng tubig na hawak ko, kumalat ang malamig na likido sa sahig, pero hindi ko man lang nagawang lingunin o damputin ito. Parang tumigil ang oras. Ang tibok ng puso ko? Para akong binaril sa dibdib nang paulit-ulit—hindi ako makahinga.
"Hindi... h-hindi..." paulit-ulit kong bulong habang nanginginig ang labi ko. Hindi ko magawang lunukin ang buo kong takot. Ang sakit ng paghinga ko, parang hinihila pababa ng bigat ng mundo.
Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko—bawat daliri, bawat kasukasuan, na parang hindi na akin. Napaluhod ako. Yumuko habang yakap ang sarili. Pero kahit gaano ko pa higpitan, kahit anong kapit ko sa sarili ko, hindi ko mapigilang makaramdam ng panlalamig na parang tumatagos sa kaluluwa ko.
"Y-Yung..." Kumakawala sa bibig ko ang mga salitang halos hindi ko na makilala sa tinig ko. "Y-Yung nanggahasa sa akin..." Humigpit ang pagkakapit ko sa braso ko hanggang sa nag-iwan na ng marka ang mga kuko ko. "N-Nakatakas..." Mas lalong kumulo ang panlalamig sa akin.

YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...