DARK POINT OF VIEW
"Uuwi na kayo?" malungkot na tonong tanong ni Wynter sa amin ni Tristan.
Gabi na at ngayon lang naming naisipan na umuwi ni Tristan. Dalawang araw at isang gabi kami nagstay dito ni Tristan.
"Yeah I have work tomorrow." simpleng sagot naman ni Tristan.
"Ayaw ko sana pero wala akong masasakyan kapag nagstay pa ako dito ng matagal, kaya bye na mga bro! Mag-ingat kayo at always lock the door okay?" paalala ko sa kanila.
"Hindi na kami bata para hindi mag-lock ng pintuan." pilosopong tugon ni Fujin kaya tumawa nalang ako.
Aalis na sana kami nang marinig kong sumigaw si Fujin.
"Tristan!"
Napalingon kaming dalawa sa kanila.
"Thank you, kasi kahit hindi mo kami kilala niligtas mo kami at binigyan pa ng mga pagkain."
Napangiti nalang ako, naks laki ng pinagbago ni Fujin. Parang dati lang ang immature niya. Character development ’yan?
"Yeah, take care kayo." cold na sagot ni Tristan.
Napahinga ako ng malalim nang makita ang cellphone na ginagamit ni Fujin, grabe siya mag-care ng gamit niya. Cellphone pa 'to na binigay ni Blaze sa kaniya nung highschool kami.
Althought puro cracks na yung screen ginagamit niya pa rin. I want to buy him a new phone. Sana bukas pa ang mga bilihan ng phone ngayon.
Kaya siguro kinuha niya yung akin kagabi. Pero ano nga ba talaga ang nangyari kagabi? Wala na rin kasi akong matandaan.
Basta ang alam ko pinatulog nila ako, hanggang doon lang ang naalala ko.
"Ano na? Uuwi ka pa ba o diyan ka nalang?" pilosopong tanong ni Tristan na nasa loob na pala ng sasakyan.
"Adios!" paalam ko sabay salute.
Ganito kami magpaalam dati nung highschool pa kami. After kong magpaalam ay pumasok na ako sa kotse at pinaandar na ito ni Tristan. Tinignan ko pa kung paano pumasok sa loob si Fujin at Wynter sa front mirror ng kotse niya.
Hays ilang buwan ko na naman kaya kayo makikita ulit?
Kinuha ko nalang yung phone ko para sana malibang pero shit lowbat na pala ako.
"Shit! lowbat." mura ko.
"Lowbat ka rin?" tanong ni Tristan.
Siguro dahil lowbat din siya.
"Oo, hindi ko naman masyadong ginamit." sagot ko.
"Ginamit ni Fujin ‘yan kanina, naglaro siya. Tinanong ko kung bakit hindi niya sa phone siya maglaro sinagot niya ako na hindi na raw natatouch masyado phone niya, sira na raw." Tristan.
Shit na gago yun! Sana nagsabi siya para nabilhan ko siya!
"Eh yung sa'yo?" tanong ko.
"Hindi ko chinacharge lagi, nakakalimutan ko."
Natawa naman ako sa sinagot niya.
"Ang bata mo pa makakalimutin ka na." saad ko.
"Tch! hindi na ako bata. College graduate na ako." sagot niya.
"Talaga ba? akala ko college ka pa na nagpapart time job."
"1 year lang agwat namin ni Dianne, ng type mo."
Halos masapok ko siya sa gulat!
"Hindi ko nga siya type!" sigaw ko.
"Okay, hindi mo naman kailangan sumigaw, medyo halata ka eh."
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...