Dianne Point of view.
Nakauwi na kami ni Blaze, kumain lang kami saglit kanina at kunting date² lang.
Nandito na naman ako sa kabilang bahay at hinahanap ko si Dad.
Pero imbis na si Dad ang mahanap ko ay iba ang nakita ko.
Hindi si Dad kundi si Janice.
"Bakit ka nandito?" tanong niya habang nakacross arms.
"Hindi ikaw ang hinahanap ko kaya tumabi po kayo." aalis na sana ako nang magsalita pa siya.
"Bakit? Bakit manang-mana ka sa akin huh?"
Iyon ang nagpatigil sa akin.
Bakit niya natanong yun? Tsaka... hindi niya naman ako anak huh. Kasi hindi naman ako si Sofia.
"Huh?" ang tanging lumabas sa bibig ko.
"I mean, bakit ka sumusunod sa yapak ko? Hindi ka naman si Sofia, hindi naman ikaw ang anak ko!" sigaw na niya.
Napataas naman ang isa kong kilay. Bakit niya iniba?
"Kasi gusto ko." simpleng sagot ko.
"Hindi kita anak! Kaya huwag kang magpanggap na anak kita."
So alam niya? Kaya siya galit sa akin ganun ba?
"Hindi ako nagpapanggap, sadyang iyon lang ang gusto kong gawin. Matagal ko ng inaasam ’to kaya hinding-hindi mo na ako mapipigilan pa."
Mabilis naman siyang lumapit sa akin at mabilis niya ring nasampal ang mukha ko ng malakas to the point na napalingon pa ako sa gilid sa sobrang lakas ng impact nun.
I scoffed at hindi ako makapaniwalang ginawa niya yun.
"Baka nakakalimutan mo, hindi mo ako anak kaya kayang-kaya kong gumanti!" sigaw ko at walang pagaalinlangan na sinampal din siya pabalik.
2 times yung sakit ng sampal ko at umeecho pa nga yung sampal na yun sa buong bahay.
"I'm not weak! At kung akala mo ay mahina ako well nagkakamali ka! Hindi ko binuhay yung sarili ko para lang magpatalo! Tandaan mo yan!" sigaw ko at akmang aalis na sana nang hilahin niya yung buhok ko.
SHIT! MASAKIT HA!
Hindi rin ako nagpatalo at mabilis kong hinablot ang medyo wavy niyang buhok at nagsasabunutan na kami.
"Walang hiya ka! Pinatira ka nga dito may lakas ka pang ganyanin ako!" sigaw niya.
"Mas wala kang hiya! Pinatira-tira niyo ako dito para ganyanin niyo!? Huh! Asa ka!" sigaw ko rin at lumalaban sa higpit ng hawak niya.
Mas hinigpitan pa nito ang kapit niya sa buhok ko kaya hinigpitan ko rin yung kapit sa kaniya.
Ilang minuto rin kaming ganun hanggang sa may sumabog sa galit.
"STOP!" Sigaw nito at mabilis niyang inalis ang kamay ni Janice na nakahawak sa buhok ko at hindi pa siya nakuntento ay naitulak niya pa yung walang hiyang Janice.
"Augh!" daing niya pa dahil napaupo siya sa sahig.
"Can you please stop doing this to your own child?!" sigaw ni Blaze na umaalingawngaw sa buong bahay.
Bigla namang nag-iba yung aura nung Janice na para bang gusto niyang umiyak.
"Paano mo nasisikmurang saktan ang anak mo huh?" tanong niya at tinago ako sa likuran niya.
"She’s a good child, a good person! Can't you appreciate that?!" sigaw pa rin ni Blaze.
Gusto ko umiyak pero hindi ko magawa.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...