Dianne Point of view.Nandito na ako, sa bilis ng patakbo ko ng sasakyan ay mabilis lang din akong nakapunta dito.
Nabangga ako sa gate ng abandoned house na binigay na address nung nagsend sa akin ng message.
"Ah!" daing ko sa sakit dahil nabunggo yung ulo ko sa manibela.
Naramdaman ko agad ang dugong dumaloy sa may noo ko, kunti lang naman. Mabilis kasi ang pagkakamaneho ko kaya nung nabangga ako medyo malakas yung impact. Pero bakit hindi siya masakit? Bakit hindi ako nasaktan? Bakit hindi ako kinakabahan para sa buhay ko?
Umiling ako para maalis iyon sa isipan ko at imbis na tumigil dahil risky na at imbis na gamutin ang sugat ko sa noo ay mabilis ko lang binuksan ang pinto ng kotse at malakas itong sinarado.
Tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay, kahit ramdam ko ang hapdi sa noo ko at yung nanlalabo kong paningin.
Wala na akong pakialam sa mangyayari sa akin. Alam kong ang risky ko na sa panahong 'to, pero hindi ko na kayang maghintay pa. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman kung ligtas siya kung.... buhay pa ba siya.
Pagdating ko sa loob, para akong nawala sa sarili.
“Lola!” sigaw ko, halos nag-e-echo ang boses ko sa loob ng marumi at madilim na bahay.
May mga alikabok sa paligid at naramdaman ko ang biglang pangangati ng ilong ko. Pero wala akong pakialam kahit maubo pa ako.
Isa lang ang gusto ko, ang mahanap si lola. Ang mahanap ang taong nagpalaki sa akin.
“Lola! Nasaan ka na ba?!” Mas malakas na sigaw ko. Desperado na ako. Baka kung ano na ang ginawa nila sa kanya...
Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ko ang isang pamilyar na halakhak sa likuran ko—malamig at nakakakilabot, parang mga karayom na tumutusok sa likod ng leeg ko.
Dahan-dahan akong humarap, nanginginig ang mga kamay at nanlalamig ang pakiramdam ko. At doon ko siya nakita—si tita, nakatayo sa madilim na sulok ng kwarto, nakangisi.
“Ang ingay mo naman,” sabi niya, halos parang kinakain ng bawat salita niya ang kaunting pag-asa ko.
“Hinahanap mo ba ang lola mo?” tanong niya agad.
“Nasaan siya?! Anong ginawa mo sa kaniya?!” halos pasigaw kong tanong, nagmamadaling lumapit sa kanya.
Tumawa lang siya, mas malakas at mas nakakabaliw.
Huminto ako nang makita ang mukha at reaksyon niya, nakakatakot siya. Parang kaya niyang pumatay at parang kaya niya akong patayin ngayon.
“Set-up lang lahat ng ‘to, Dianne. Para makuha kita at para hindi ka na maligtas ng asawa mong walang ibang ginawa kundi ang iligtas ka!”
Nanlamig ang buong katawan ko, hindi totoo ‘to. Hindi... h-hindi totoo ’to.
Si BLAZE! Nansilakihan agad ang mga mata ko.
"Nasaan si Blaze!? ANONG GINAWA MO SA KANIYA!?" sigaw ko.
Tumawa lang siya.
"He's finding your lola, pero... matatagalan siya sa paghahanap alam mo kung bakit? Kasi pinlano kong itago ang lola mo sa malayo para hindi ka niya maligtas."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
"At hindi niya rin alam na wala ka na sa bahay, alam mo kung bakit? Kasi pinatulog siya ng mga tauhan ko at dinala sa ibang lugar. Siguro... tulog pa siya hanggang ngayon."
"Ano!?" wala sa sarili kong sigaw.
"Paggising niya, patay ka na at paggising niya doon niya lang makikita ang lola mo. Paggising niya sisisihin niya yung sarili niya dahil sa pagkamatay mo. Interesting diba?"

YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...