CHAPTER 34: "Then, kill her."

153 9 0
                                    


Dianne Point of view.

Pasko na at nakaready na ang buong bahay para sa paparty ni Dad. Merong mga business man and woman dito ngayon. Basta ang daming tao dahil mahilig talaga ang mga mayayaman sa ganitong party.

Nakakabagot na nga eh pero may choice ba ako? wala.

Pumasok muna ako sa kwarto namin ni Blaze at kinuha ko yung keychain na ginawa ko para kay Blaze. Yes, gawa ito sa yarn at nageffort talaga ako para gawin ’to.

Ayaw ko kasi bumili lang kasi parang walang effort kapag ganun. Nakalagay ito sa box tapos may ribbon na kulay red. Tapos ang suot ko naman ngayon ay fitted na kulay red na dress na kumikinang.

Maiksi ito at hanggang sa may hita lang tapos off shoulder yung nasa top. Medyo makinang dahil may glitters lalo na sa buhok ko. May mga accessories din kasi ako na makinang na nilagay sa buhok ko kaya kumikinang ina ako ngayon.

I feel like a princess tuloy, being Wulan is not that bad naman pala, ayaw ko na tuloy mawala sa buhay ko 'to.

Ito ang rason kung bakit ako masaya ngayon.

Sana naman... hindi nila kunin ’to sa akin.

"Darling," tawag sa akin ni Blaze kaya napalingon ako agad sa kaniya.

Napangiti ako agad nang makita ko yung porma niya. Nakablack lang naman siya ng polo pero grabe! Ang lakas ng dating.

Kinuha niya yung red na Blazer at sinuot ito. Ayan twinning na kaming dalawa. Mukha kaming mga hatdog pero ang kaibahan lang sa akin may kumikinang HAHAHAHA.

Lumabas na kami ng bahay at ayun bumungad sa amin ang pangit na mukha ni Dark at nagulat ako nang makita kung sino ang kasama niya.

"Lola!?" masayang sigaw ko at mabilis siyang niyakap.

"OMG!! LOLA, KAMUSTA KA NA OH MY GOSH! NAMISS KITA SOBRA!" sigaw ko ulit habang nakayakap ng mahigpit kay lola.

"Okay lang ako apo, ang ganda naman ang apo ko parang prinsesa." tugon ni lola na nagpangiti sa akin.

Bumitaw na kami sa yakap at inayos naman ni lola ang buhok ko.

"Maganda na yung apo niyo ’no? hahaha" patawa kong sabi pero nakita ko lang ang naluluhang mata ni lola habang ngumingiti.

"Tama nga yung pasya kong papuntahin ka dito, mukha kang masaya apo." ngumiti ako at pinigilan ang iyak dahil masisira yung make up ko.

"Mas masaya kung nandito ka lola, mas masaya kung kasama kita. Kasi masaya ako sa simpleng buhay na kasama ka." naiiyak kong sabi.

Para hindi ako umiyak ng tuluyan ay sinira ni Blaze yung moment namin.

"Oh ano ’yan? Gift ba ’yan para sa akin?" tanong ni Blaze nang makita ang dala ni Dark kaya nakuha nito ang atensyon ko.

"Gago hindi, naiwan lang ’to sa bar." sagot ni Dark na dahilan ng pagkunot ng noo ko.

Familiar kasi yung paper bag.

Parang nakita ko na siya.

Wait!

Parang kay Friscia ’yan ah? Oo yun nga! Yung ibibigay niya sana kay Blaze pero tinanggihan ni Blaze. Hindi ba naalala ni Blaze yun?

"Kay---" magsasalita na sana ako pero parang nagmamadali si Dark.

"Oh siya, alis na muna ako. Ilalagay ko muna ’to doon sa hotel at isasama ko na sila Anastasia at boss Trevior mamaya." paalam ni Dark at mabilis na tumakbo palayo sa amin.

Wait! Ano sabi niya?

"Ikaw ba nagplano nito?" tanong ko na kay Blaze.

Halata naman kasi na inutusan niya si Dark. Tapos sasabay daw siya kina Anastasia.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now