Ring...ring...rrrring...
"Ugh," ang ungol ni Rake at saka niya kinapa ang kaniyang phone. Isiniksik pa niya ang kaniyang kamay sa ilalim ng mga unan ngunit patuloy pa rin ang pag-ring ng kaniyang telepono.
"Argh!" ang inis niyang sambit at inangat niya ang kaniyang ulo at mukha mula sa pagkakasubsob sa unan. Kunot ang noo at singkit ang mga matang hinanap niya ang kaniyang telepono. Ngunit kahit kinapa na niya ang ilalim ng unan ngunit wala pa ring phone siyang nahanap. Hanggang sa tuluyan nang naubos ang pag-ring ng kaniyang telepono at namayani na muli ang katahimkan sa paligid.
"Fuck," ang bulong niya at muli ay narinig niya ang paghiyaw ng kaniyang telepono. At doon na niya tuluyang itinulak ang kaniyang sarili mula sa pagkakadapa niya sa kama at hinanap niya ang kaniyang telepono.
Sinilip niya ang sahig at doon niya nakita ang kaniyang phone. Nahulog niya siguro ito nang hindi niya namamalayan at habang siya ay natutulog.
Inabot niya ang kaniyang phone na nasa sahig at saka niya tiningnan ang kaniyang caller.
"Shit," ang mahinang bulong niya nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kaniya. He slid his finger on the screen para sagutin ang tawag.
"Yeah?" ang kaniyang sagot.
"H...he...." Ang tangi niyang narinig bago nag-drop ang call.
"Ugh fuck this." Ang kaniyang inis na sambit at itinaas niya ang kaniyang telepono na tila ba lalakas ang signal ng kaniyang network. At muli ay narinig niya ang ring.
"Hello?"
"Bakit...binaba?" ang narinig niyang tanong ni Corbin.
"Hindi ko binaba."
"You..." at muling nawala ang tawag kaya naman isang iritadong buntong-hininga na ang kaniyang pinakawalan at tatayo na sana siya nang muling tumunog ang kaniyang telepono.
"What?!" he spat. "Is that better?"
At mahinang tawa ang kaniyang narinig mula kay Corbin. "Yeah...Tsk, tsk, I heard from Ace that you are celibate for one night? Mukhang...hindi maganda ang epekto sa iyo, para kang dragon." Ang pambubuska sa kaniya ni Corbin na bunso sa kanilang tatlong magkakapatid.
"Anyway, Ace called me and told me to call you dahil baka hindi ka na naman magising at ma-late or worst ay makalimutan mo na mayroon kang breakfast meeting with the governor sa bahay nila...and it looks like na...mukhang tanghali ka naman na magigising kung hindi pa kita tinawagan." Dugtong pa nito.
"I am so tired Corbin, and...may alarm naman ako, nauna lang ang tawag mo." Ang pagsisinungaling niya.
"Pffft, sabi mo eh...anyway now na gising ka na... magprepare ka na," ang sabi nito sa kaniya kasunod nang pagpatay na nito ng telepono.
Inilayo niya sa kaniyang tenga ang kaniyang phone at itinabi niya iyun sa isang dark wood na side table. Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga kamay at isang malakas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.
The sooner this meeting took place and the sooner na makita niya ang sinabing property ay the sooner din na makakabalik na siya ng Manila para magreport ng kaniyang assessment kung tutuloy ba o hindi sila sa pag-invest sa isang business na magiging bago sa kanila.
Tiningnan niya ang oras mula sa kaniyang stainless steel watch na nakalapag sa side table katabi ng kaniyang phone. It was six in the morning at eight o' clock ang kaniyang breakfast with governor Balisakan with his wife and also with vice-governor Sakay.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...