EPILOGUE

357 48 25
                                    

"Liway!" ang pagbati kay Liwayway ng isang lalaking kasing edad nito na may pangalan na Christopher. Huminto si Liwayway sa kaniyang paglalakad para lingunin ang kaklase niya sa senior high-school. Nasa pangalawa at huling taon na siya sa kaniyang kinuhang strand na STEM. Gusto niyang kumuha ng kursong medisina. Sa isang pribadong unibersidad siya nag-aaral sa unibersidad kung saan nag-aral at nagtapos si Rake.

"Oh hello Chris," ang nakangiting bati niya. At tiningnan niya ang lalaking kaklase habang hawak niya ang makakapal na libro at nakasabit ang bag sa kaniyang likuran. Lagi siyang binibiro ni Rake na mas mukha siyang elementary student kaysa sa isang senior high-school na estudiyante.

"Uh," ang sambit nito at isang nahihiyang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito, "uh kasi...hindi ba...may one week tayong break?"

Tumango ang kaniyang ulo bilang sagot. "Oo."

"Uh gusto ka sana namin na imbitahan o yayain sa birthday ni Joanne," ang sagot nito sa kaniya.

"Okey, saan ang handaan?" Ang kaniyang tanong. Mula ng mag-aral siya at marami na rin siyang naging kaibigan lalo na ang kaniyang mga kaklase. At kasama na ang pagdalo sa mga handaan o birthday party ang kaniya nang napuntahan. Hindi naman mahigpit sa kaniya si Rake, sinusuportahan pa nga nito na sumama siya sa mga kaibigan. Minsan lang talaga ay siya na rin mismo ang tumatanggi dahil sa mas nais niya na mag-stay sa bahay. Lalo na ng mga sandaling iyun dahil sa name-miss na niya nang husto si Rake na ilang araw na niyang hindi nakikita dahil nasa Buenavista ito.

Hinila ni Chris ang strap ng backpack nito, "uhm, not actually a handaan more of, an out of town party."

Kumunot ang kaniyang noo, "saan?"

"Sa Baguio...may vacation house kasi kami doon, and doon nga naisipan ni Joanne na mag-celebrate ng birthday...actually...birthday ko rin kasi kaya...naisipan namin na pagsabayin na lang namin." Ang paliwanag ni Chris sa kaniya.

"Ganun ba? Ha-"

"Happy birthday." Ang sabat ng boses at sabay silang lumingon ni Chris sa kanilang kanan at isang dipa ang layo sa kanila si Rake na malapad ang ngiti sa mga labi.

"Rake!" Ang masayang sambit ni Liway at hindi niya naiwasan na humakbang palapit para yakapin nang mahigpit ang asawa.

"Uh...thank...you?" ang patanong na sagot ni Chris na hindi pa kilala ang kaniyang asawang si Rake. Binibigyan kasi siya ni Rake ng espasyo para sa kaniyang sarili para mag-explore. Kaya naman sa school ay inihahatid lamang siya nito at sinusundo at nag-stay lamang ito sa loo ng sasakyan.

Kaya naman hindi na nagtaka pa si Liwayway na makita ang gulat sa mukha ng kaklase niyang si Chris.

***

Rake gave Liwayway her personal space para mahanap nito ang kaniyang identity. After leaving the haven of gods sa tuktok ng kabundukan ay nagtungo sila sa dating tahanan ni Liwayway para humarap sa mangidadaulo na si Isagani. Dahil sa walang ama at lalaking kamag-anak si Liwayway ay kailangan na pahintulutan ito ng mangidadaulo ng Agba na maikasal lalo na sa katulad niyang hindi isang Agba.

At buong kaligayahan na binasbasan ni Isagani ang kanilang pagsasama. They even stayed in the mountains para pasinayaan ni Isagani ang kanilang pag-iisang dibdib. Isang simpleng seremonya ng pagbabasbas. But for Rake? That is the most serene and most beautiful ceremony of matrimony. At hindi niya kailanman makakalimutan ang kaganapan but most of all ay ang pagkakataon na pahintulutan siya ng dios na makapasok sa tahanan ng mga ito para makita si Liway and making love on the blanket of grasses and flowers.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon