CHAPTER 7

238 24 7
                                    

"I am sorry sir du Pont, kung naabala po kayo sa pagdidrive po ninyo, pero...sinusubukan po namin kayong tawagan para sana imeet-up kayo at i-guide ang sasakyan po ninyo dito sa location." Ang paliwanag at paghingi ng dispensa sa kaniya ng kinatawan ng gobernador na nag-imbita sa kaniya.

Matapos ngang maituro sa kaniya ng lalaking kaniyang naisabay pababa ng bundok ang tamang daan sa Catalina ay nagawa na niyang mahanap ang bahay na kaniyang tutuluyan.

Iyun ang bahay na pag-aari ng pamilya ng asawa ng gobernador ng Buenavista. Isa iyung ancestral house yung tipong pang horror film ang datingan. Pero sa pagod at gutom niya? Wala nang multo-multo sa kaniya.

"It's okey ako na dapat ang unang tumawag sa inyo," ang kaniyang sagot habang itinu-tour siya ng lalaking naghintay sa kaniya. Bukas pa ang kaniyang schedule na meet-up with the governor na siya rin naman ang humiling.

"But I never thought na mahina pala ang signal ng service provider ko rito." Ang sagot niya habang kasabay niyang naglalakad ang lalaking kaniyang welcoming committee.

Huminto sandali ito sa paglalakad at saka ito tumango. Ngumiti ito nang malungkot. "Iyun din naman po ang ninanais namin dito sa aming lugar, lalo na po at ginagamit na ang internet at computer sa mga meetings, wala po kasing tower dito, ang pinakamalapit na tower ay nasa kabilang lalawigan, nadaanan niyo po kanina nang papunta kayo rito sa amin."

"Kailangan po talaga namin ng progreso sa aming lalawigan." Ang dugtong pa nito at sinalubong ng mga mata nito ang kaniyang kulay abo na mga mata.

"Anyway, nakarating na ako sa bundok na lubak ang daan at walang ilaw ng kalsada, it's a good thing na mayroon akong naisakay na lalaki na nagturo sa akin ng daan pababa at patungo rito sa Catalina...I never thought na...may makikita akong tao sa lugar na iyun at sa ganitong oras."

"Agba sir." Ang sagot sa kaniya ni Roland.

Kumunot ang kaniyang noo. "I beg your pardon?"

"Mga Agba sir, ang nakatira sa itaas ng bundok, maaring isa sa kanila ang nakita nakasalamuha ninyo kanina at nagturo sa inyo ng daan, sanay na po sila sa daan sa bundok kaya, kahit anong oras nakabababa sila kahit madilim."

Kumunot ang kaniyang noo. "I heard that, iyun ba ang settlers sa property na inaalok sa amin?" ang tanong niya kay Roland.

Nakita niya ang sandaling pag-aalangan nito at napansin din niya ang pag-iwan nito ng mga mata sa kaniya.

"Uh sir, wala po kasi ako sa posisyon para magsalita sa bagay na iyan, pero isa lang ang masasabi ko po, ito po ay lubos na pinag-isipan ng aming butihing gobernador, para po sa kapakinabangan ng lahat, lalo nang buong Buenavista at sa mga nakatira rito."

Hindi siya nagsalita at tanging pagtango lang ang kaniyang isinagot. Kung may mga settlers ang bundok ay magkakaroon sila ng problema. Hindi problema ang relocation at ang perang assistance dahil willing siyang maglabas ng pera at ang local na government naman ang bahalang maghanap ng paglilipatan ng mga ito. Ang problema lang ay kung isang protected land ang lugar at kung makikipagmatigasan ang mga taong nakatira sa itaas ng bundok.

Muling nagsalita si Roland. "May limang kuwarto po ang bahay, may kusina at salas at dining area...renovated na po yung kitchen at medyo modernized na, mayroon na pong stove at refrigerator. Ang salas naman po ay may television na kung sakaling gusto po ninyong manood."

"I think that was the last thing I needed, gusto ko sanang magpahinga na." Ang kaniyang sagot.

"Sir naghanda po kami ng dinner para sa inyo." Ang sagot nito sa kaniya.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon