CHAPTER 24

239 25 7
                                    

"Ikakabubuti naming mga Agba? Huh sino ba...siya para...magsabi ng kung ano ang...ikabubuti namin? Mabuti...ang aming pamumuhay!" ang gigil na sambit ni Liwayway habang tinatawid niya ang nakabitin na tulay.

Mula nang iwan niya ang bahay na tinutuluyan ni Rake DuPont ay para na siyang toro na handang manuwag nang kahit sinumang haharang sa kaniyang tinatahak na pataas na daan. Lalo na kung si Rake ang nasa kaniyang daan.

At tatawagin niya itong Rake o DuPont, dahil hindi niya kailanaman tatawagin itong mister bilang paggalang dahil hindi nito nararapat ang kaniyang paggalang. Ang kaniyang respeto dahil sa panggigipit nito sa kanila.

"Huh, gagawin pa kaming tagalaba ng mga madudumi nilang damit?" ang inis pa niyang bulong at humakbang siya mula sa kahoy at tumapak na ang kaniyang mga paa sa lupa ng kanilang tahanan. Ang Nabalitokan a Langit.

Hindi naman masama kung magkakaroon sila ng bagong daan. Daan sa bahagi ng kanilang kabundukan. Alam niya kung saan ang tinutukoy na daan dahil sa iyun din ang daan patungo sa pahingahan ng mga dios at espritu. Ang bahagi ng Nabalitokan a Langit na banal para sa kanilang mga Agba dahil sa iyun ang huling pahingahan ng kanilang mga pinuno kapag nagkaroon na ng bagong pinuno ang Agba. Ang huling lugar na mananahan ang mga ito sa lupa bago sila kunin ng mga dios at espiritu para sumama at maging isang sa kalikasan katulad ng mga halaman, ng hangin, at ng mga bituin.

Ngunit wala na silang ibang paraan pa kundi ang gumawa ng daan dahil sa malakas ang kaniyang paniniwala na hindi papayag ang mga Agba ng pagbabago sa kanilang tahanan at hindi papayag ang mga ito na manghimasok ang mga estranghero sa kanilang buhay.

Malakas ang kaniyang paniniwala at gusto niyang makaabot sa gagawing pagtitipon kahit pa hindi sila maaaring sumama na mga kababaihan sa pagpupulong nais pa rin niyang makasagap kahit man lang kaunting balita ng mga pangyayari.

At sa kaniyang paglalakad palapit sa kabahayan ay agad niyang nakita si Isagani. Nakita niya na napapikit ang mga mata nito sandali na tila ba lumuwag ang dibdib nito nang makita siya.

At saka ito naglakad palapit para salubungin siya. "Liwayway, saan ka nanggaling? Ugh kanina ka pa hinahanap ni ina para sa paglalagay mo ng simbolo sa iyong daliri." Ang kunot noo nitong tanong sa kaniya.

"Nagpaalam ako kay apong na sasama sa mga kababaihan sa pagtitinda ng ani," ang sagot niya.

"Ugh alam mong hindi na iyun kailangan dahil sa kailangan dahil sa pinaghahatian naman ang kinikita, at may mas malaking parte ang mangidadaulo." Ang giit sa kaniya ni Isagani na sinabayan na siyang maglakad patungo sa kaniyang bahay.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka umiling ang kaniyang ulo, "hindi na kami makikihati pa ni apong sa kikitain sa pinagbilhan ng mga ani, Isagani, kaya ko pang magbenta ng ani at kumita para sa amin ni apong, lalo pa at may mga pangangailangan si apong na gamot."

At sa kaniyang sinabi ay tiningnan ni Isagani ang bitbit niyang basket na naglalaman ng kaniyang mga pinamili.

"Akin na iyang basket. Ihahatid na kita kailangan na malagyan ka na ng simbolo bago magtanghali at magtitipon ang lahat ng mga Agba dito sa Nabalitoakan a Langit para sa gagawin na pagpupulong."

Biglang huminto ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang marinig niya ang sinabi ni Isagani. "lahat?" At tiningnan niya ng kaniyang mga nagtatanong na gintong mga mata ang mga mata ni Isagani.

Tumango ang ulo nito bilang kasagutan at hindi pa rin siya naniniwala sa sagot nitong pagtango. Gusto niyang madinig ng kaniyang mga tenga na totoo ang sinabi ni Isagani na lahat ay dadalo.

"Totoo ba ang sinabi mo?" ang paninigurado niyang tanong. "Lahat tayong mga Agba? Kasama...kasama kaming mga kababaihan?"

Muling tumango ang ulo ni Isagani na sinamahan nito ng matipid na ngiti. "Wen, tumabunotayo amin iti gimong," ang sagot ni Isagani sa kaniya at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon