CHAPTER 21

220 24 6
                                    

Ibinenta? Ibinenta na ang Agdungdung-aw nga Angin? ang tanong g isipan ni Liwayway habang nanatili siyang nakatayo sa harapan ng nakapinid na pintuan ng kusina para makinig.

Ibinigay ng asawa ni...nang dating may-ari ng Agdungdung-aw nga Angin? At ibinenta naman ng gobernador sa lalaking taga-Maynila at isang negosyante? Kaya naman pala siya kinakabahan nang makita niya ang presensiya nito. tama nga ang kaniyang hinala...masamang balita ang dala nito sa kanilang mga Agba.

Muli siyang nakinig at habang tumatagal siyang nakatayo sa harapan ng pintuan at pinakikinggan ang usapan sa loob ng kanilang bahay ay unti-unti siyang nanlulumo. Gusto kasing gawing puntahan ng mga turista ang kabilang bahagi ng kabundukan.

Magiging magulo ang kanilang tahanan dahil sa siguradong aabot sa kanilang bahagi ng kabundukan ang ingay kapag gagawin na ang binabalak nito.

Gusto nitong panghimasukan ang kanilang buhay. Itinanggi man nito ay hindi siya naniniwala sa sinabi nitong hindi nito gustong pagkakitaan sila.

At halata naman na gusto sila nitong gipitin dahil sa, kondisyon nito. Gusto nitong maging sunudsunuran sila.

Dahil ba sa may pera siya? Dahil sa nakatira sa modernong lugar? Isa siyang taga-Maynila? Ang himutok ng kaniyang isipan.

Babaguhin at guguluhin nito ang tahimik nilang pamumuhay at sila ay parang mga alipin nito? Dahil sa maliit ang tingin nito sa kanila?

"Tumanggi ka apong...tumanggi ka," ang kaniyang bulong at hinintay niyang sumagot ang kaniyang lolo nang pagtanggi sa alok ng lalaking taga-Maynila na DuPont ang pangalan.

"Iyun po ang aking sadya sa inyo...ang pag-isipan ang aking inalok...kung hindi kayo papayag ay...kakailanganin kong alisin ang tulay at kahit pa ang batong tulay sa ilog ay hindi niyo rin maaaring gamitin dahil sakop pa ng aking lupa ang daraanan ninyo."

"Huh," ang sambit niya. "Napakasama niya." At napuno ng galit ang kaniyang dibdib.

"Hindi pa ako...makakapagdesisyon tungkol sa bagay na ito...kailangan ko munang makausap ang aking nasasakupan para makagawa ako ng desisyon." Ang sagot ng kaniyang apong. At hindi niya napigilan ang mapapikit nang marinig niya ang sagot ng kaniyang apong.

Bakit kailangan pang pag-isipan lolo? Ang bulong ng kaniyang isipan. Hindi pa ba sapat ang isang estranghero na hinayaan nating guluhin ang ating buhay? Ang hinanakit niya.

"Iyun din naman po ang sadya ko...kaya nga kayo po muna ang aking kinausap para mabalitaan ninyo ang iyong nasasakupan...babalik po kami makalipas ang isang araw...Maraming salat po sa kape at sa pagtanggap sa amin."

Paalis na sila? Ang bulong ng isipan niya. At kunot noo niyang pinakinggan ang tunog sa loob. Ang mga boses ng pamamaalam.

Mabilis siyang naglakad sa gilid ng bahay para magtungo sa harapan. At mula sa sulok ay tinanaw niya ang kaniyang apong at si Isagani na kausap ang kanilang tatlong bisita. At ang kaniyang paningin ay napadpad sa lalaking may pangalan na DuPont.

Nakipagkamay ito sa kaniyang lolo at kay Isagani. At tila ba may magnetismo ang kaniyang paningin nang sumulyap ito sa kaniyang direksiyon. At nagtama muli ang kanilang mga mata. Ginto sa pilak.

Napasinghap siya at dali-dali niyang iniwas ang kaniyang sarili at isinandal ang kaniyang likod sa pader ng kanilang bahay. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at dinama niya ang kaba sa kaniyang dibdib.

Nakita ba siya nito na nakatingin? Ugh, nakakahiya na nga ang nangyari kaninang nahuli sila nitong napadapa sa sahig nang dahil sa kaniyang lihim na pakikinig.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon