Kumurap-kurap ang talukap ng mga mata ni Rake nang maramdaman niya ang pagtama ng liwanag sa kaniyang mga mata.
Nakadapa siyang nakahiga sa kama habang nakataas ang kaniyang mga braso sa unan. At saka niya unti-unting iminulat ang kaniyang mga kulay abong mga mata at ang unang tumambad sa kaniya ay ang malapad na bintana na nakahawi ang mga kurtina.
He turned his body and he was now lying on his back and he was facing the white ceiling. And that's when he realized na nasa ibang bahay siya at wala siya sa kaniyang condo. He was back again sa Buenavista sa bayan ng Catalina.
He remained lying on the bed and he recalled his mindo of the memories of last night. Bago pa siya magdrive papunta ng Buenavista ay dumaan muna siya sa club para sandaling uminom. Yup it was a stupid thing to do pero alam naman niya ang kaniyang limitasyon pagdating sa alak kaya naman sumaglit siya sa club para makipagkita sa kaniyang mga kaibigan dahil sa alam niya na matatagalan na muli bago siya makakita ng club at makainom ng masarap na alak.
At siyempre bago pa siya umalis ay isang kaganapan sa loob ng sasakyan ng babaeng nakakilala niya sa loob ng bar ang nangyari bago pa niya sinimulan ang kaniyang mahabang pagdidrive and it was past midnight nang marating niya ang Catalina and that time ay hindi na siya naligaw pa.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka niya itinulak ang kaniyang sarili para bumangon. He remained in bed and he pulled his knees closer to his knees. He planted his elbows on top of his knees before he combed his unruly hair.
"This is the start of my future resort business," ang bulong niya sa kaniyang sarili. Kahit pa gusto pa niyang bumulagta sa kama ulit at matulog at abutin ng sunset bago siya bumangon at simulan ang kaniyang araw o gabi.
Isang malakas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at doon na niya naalala ang breakfast niya with the governor sa bahay nito at kasama nilang muli ang vice-governor bago sila pupunta sa munisipyo para doon magpirmahan ng kontrata at opisyal na niyang bibilhin ang kabilang bahagi ng bundok. Though he doesn't want any programs sa mga pirmahan ay pinagbigyan niya ang hiling ng governor. Iyun kasi ang unang proyekto sa lalawigan ng Buenavista kung ang pag-uusapan ay business investment.
Hinawi niya ang kumot na nakaikot sa kaniyang bewang. Hindi na nga kailangan pa ng electric fan lalo na ng aircon sa lugar na iyun. ang lamig ng klima ay natural na nanunuot sa kabahayan.
Ibinaba na niya ang kaniyang mga paa at inilapat sa sahig and he turned his eyes towards the wide windows and the open curtains na kaniyang hinawi kagabi nang papasukin niya ang malamig na hangin to refresh the room at hindi na nga niya nahila pabalik ang kurtina kaya naman liwanag ng araw ay pumasok sa loob ng silid na nagpaggising sa kaniya.
"Well it's a good call, hindi ko na kinailangan ng alarm." Ang bulong niya sa sarili at saka niya itinulak ang sarili para tuluyan nang tumayo. He turned again and his eyes caught the sliding doors of the veranda. And only clad in his pajama bottoms ay naglakad siya sa patungo sa pintuan and he slid the door to the side before stepping outside the veranda.
And again he was greeted with a kiss on his cheeks of the cold and fresh mountain air. Ibang-iba ang hangin kung ikukumpara sa manila lalo na sa tuwing lalabas siya ng veranda ng kaniyang condo unit.
Maalinsangan ang hangin at hindi na niya kailangan pang sabihin na polluted ang hangin kaya naman bibihira siyang tumapak sa labas ng kaniyang veranda.
But still...nasa Manila ang kaniyang buhay, ang sabi ng kaniyang isipan.
His eyes travelled far hanggang sa nakita niyang muli ang tuktok ng bundok. At doon muling pumasok sa kaniyang isipan na hindi lamang contract signing ang magaganap sa araw na iyun kundi na rin ang kaniyang pagtungo sa tahanan ng mga Agba para sa kaniyang unang pakikipag-usap sa lider ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...