CHAPTER 35

315 26 11
                                    

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Rake and he nuzzled his head on something that was tickling his nose. He took a deep breath and he smelled the sweet scent. He pulled his arms closer to his chest kasama ng yakap ng kaniyang mga bisig. At doon niya naalala na may yakap siya sa kaniyang pagtulog.

It was Liway. Naalala na niya ito? ang tanong ng kaniyang isipan at doon ay mabilis na dumilat ang kaniyang mga mata at saka niya bahagyang inilayo ang kaniyang mukha mula sa pagkakasubson sa ulo ni Liway. And that's when he also realized na ang buhok nito ang kumikiliti sa kaniyang ilong.

Naalala na ba niya ito? Muling tanong ng kaniyang isipan at tinitigan niya ang natutulog na si Liway sa kaniyang dibdib. He tried to recall her again mula sa kaniyang isipan. Naalala na niya ang pangalan nito kanina baka sakaling maalala na niya ang nakaraan nilang dalawa. Pero wala halos sumakit na nga ang kaniyang isipan at mata sa katititig kay Liway ngunit wala siyang maalala. Ang tanging naalala lamang niya ay ang pangalan nito.

Tuluyan nang nagising ang kaniyang diwa pero hindi pa rin siya gumawa ng pagkilos para bumangon. Nanatili lamang siyang nakahiga sa tabi ni Liway habang natutulog ito sa kaniyang mga bisig.

Nakasubsob ang mukha nito sa kaniyang dibdib. Pinagmasdan niya ang mga mata nitong nakapikit at napansin niya ang maiikli nitong pilik ngunit nakakulot ang mga iyun. Matangos ang ilong nitong nakadikit sa isa niyang nipple at ang makakapal nitong mga labi na nakadikit naman sa kaniyang dibdib. He also noticed the spray of fine freckles underneath her eyes across her the bridge of her nose.

Anong nangyari at hindi kita maalala? Anong ginagawa ko sa lugar nila kung ako ay taga-Maynila? Ang mga katanungan ng kaniyang isipan. Hindi pa rin kasi nababanggit ni Liway sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyun. ang tanging alam niya ay pabalik sila ng Manila dahil sa itinanan niya ito at inagaw sa lalaking pakakasalan nito.

Ganun na ba niya ito kamahal kaya niya ito nagawang agawin sa lalaking pinangakuan nito ng kasal? At ganun din ba siya kamahal ni Liway para talikuran nito ang sariling pamilya at ang lalaking pakakasalan nito? Ano kayang nakita niya sa akin para mahalin niya ako? Para talikuran nito ang buhay kasama ang tribu nito.

But why does she look distant to him. Tila ba nahihiya o nag-aalangan ito na lumapit sa kaniya. Maybe sa upbringing nito? Katulad nang sabi ni Liway sa kaniya na mula nga ito sa isang tribu na hindi niya maalala ang pangalan.

Ngunit panghahawakan niya ang sinabi ni Liway sa kaniya. Wala naman siguro itong dahilan para lokohin siya. And somehow, he felt that she was saying the truth and with her, he felt safe and content lalo na when he reached out for her last night.

Hindi niya pinalapit ito sa kaniya dahil sa gusto niyang magsex sila. Though he felt na ganun ang kaniyang ginagawa noon. He felt that he loves sex. And he wanted to have sex with Liway pero hindi iyun ang kaniyang balak kagabi. Hereally just wanted to feel her beside him. To feel kung anong magiging reaction ng kaniyang puso para rito. And like what he felt, he felt the tranquility.

And besides, he made a promise to Liway na hindi sila magsisex hangga't hindi niya pa ito pinakakasalan. And he will honor that promise and he will marry her as soon as possible.

Tiningnan niya ang bintana. At kahit pa nakasara ang mga kulay puting kurtina na aabot sa sahig ay masasabing umaga na. Maaaninag na kasi ang liwanag. He looked up towards the wall malapit sa refrigerator kung saan nakasabit ang wall clock. And the clock tells him that it was nine in the morning.

Maybe magparoom service na lang sila ulit para sa kanilang coffee at breakfast. Umiinom kaya ng kape si Liway? Tanong niya at muli niya itong sinulyapan pero hindi niya ito ginising. She is still sound asleep at mukhang pagod din ito kaya naman naisipan niya umorder na lang ng coffee at juice and breakfast for both of them.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon