CHAPTER 44

296 33 18
                                    


"Uh," ang tanging sambit ni Liwayway habang nakatingin siya kay lola Olivia na nakangiting nakahalukipkip ang mga bisig nito sa dibdib habang nakaupo sa passenger side.

Nang magitla siya nang muling marinig niya ang malakas na pagbusina sa kaniyang likuran.

"Please don't pretend na hindi ka marunong mag-drive, dahil hindi ako lilipat sa driver seat para magmaneho," ang giit pa sa kaniya ni lola Olivia. At dahil sa makailang ulit nang nagbusina ang sasakyan sa kanilang likuran ay wala nang ibang nagawa si Liwayway kundi ang patakbuhin ang sasakyan.

"Do you want to explain about why are you pretending?" Ang tanong ni lola Olivia sa kaniya. At nang hindi siya sumagot ay narinig niyang mahina itong natawa.

"Huwag ka na ring magkunwari Liway na hindi ka marunong umintindi ng ingles, dahil kanina habang nag-didrive ka ay binabasa mo ang bawat street na nadaraanan natin, so stop this façade okey? Gusto mo bang mag-usap muna tayo bago tayo umuwi?" Ang saad pa ni lola Olivia sa kaniya.

Ramdam ni Liwayway ang kaniyang pagkatalo at saka siya tumango. Mas gusto niyang si lola Olivia na lang muna ang makaalam nang tungkol sa kaniya bago pa si Rake dahil hindi pa siya handa na makita ang mariring reaksiyon nito.

"Opo." Ang matipid niyang sagot.

"Good, turn right to Delgado, it's eleven in the evening, for sure may bukas pang coffee shop lalo at Friday na." Ang utos ni lola Olivia sa kaniya. Hindi na siya sumagot pa ng salita. Hinanap na lang niya ang pangalan ng street na sinabi sa kaniya ni lola Olivia para doon iliko ang minamaneho niyang sasakyan.

"You are a good driver, excited na akong malaman kung paano kang natuto na magmaneho," ang narinig niyang sabi ni lola Olivia. At pagkaliko niya sa nasabing street ay itinuro ni lola Olivia ang isang coffee shop. At doon ay kaniyang itinabi at ipinarada ang sasakyan ni lola Olivia.

"Whew, at ang galing mong magpark, talagang napahanga mo ako, tinalo mo pa ako Liway." Ang nakangiting sabi ni lola Olivia sa kaniya. Nag-unlock na ito ng passenger door ngunit bago pa man ito tuluyan na makababa ay mabilis siyang nagsalita.

"Lola Olivia," ang kaniyang sambit sa pangalan nito. Lumingon sa kaniya si lola Olivia at saka nito inabot ang kaniyang kanan na kamay na nakalatag sa kaniyang hita at naramdaman niya ang pagpisil ng kamay nito.

"Huwag kang mag-alala Liway, gusto ko lang magkape para matanggal ang hang-over ko, at...gusto ko lang na magkuwentuhan tayong dalawa." Ang nakangiting sabi sa kaniya ni lola Olivia at sa paraan ng pagsasalita nito ay kahit papaano nabawasan ang kaniyang agam-agam.

Tumango siya at matipid na ngumiti at saka siya sumunod na rin kay lola Olivia nang tuluyan na itong bumaba ng sasakyan. Magkasabay silang naglakad papasok ng coffee shop na kahit pa dis-oras na ng gabi ay marami pa ring tao. Marahil sa kagahilanang, araw nga iyun ng Biyernes.

Pagkaorder nila ng kape at makakain na sandwich ay naghanap silang sandali ng kanilang mapupuwestuhan at nagpasya silang sa may labas na lamesa na lamang pumuwesto at mag-usap.

Humigop muna sila ng kape at kumagat sa mga sandwich na kanilang inorder. Habang umiinom at kumakain ay dama na ni Liwayway ang kaba sa kaniyang dibdib. Tila ba naghihintay siya ng isang nakakakilabot na balita. Hinihintay niya na tanungin siya ni lola Olivia kung bakit niya nagawang lokohin at magkunwaring nobyo ng apo nitong si Rake.

Halos ilang minuto rin ang lumipas nang basagin ni lola Olivia ang katahimkan. At mas lalong nadagdagan ang kaba sa kaniyang dibdib. At hinintay niyang sumbatan siya nito o kung hindi naman ay tanungin kung bakit siya nagsinungaling bilang kasintahan ng apo nito.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon