CHAPTER 45

319 38 26
                                    

Hindi na malaman pa ni Rake kung saan siya magdidrive na kalsada. Pagkatapos na sabihin sa kaniya ng kaniyang mommy kung saan maaaring nagtungo ang kaniyang lola at si Liway ay dali-dali siyang sumakay sa kaniyang sasakyan na tinunton niya ang lugar kung sana naroon ang The Prince.

At naalala pa niya kung paano siya halos makipagbardagulan sa lalaking may ga-trosong mga braso na nasa harapan ng pintuan ng bar na exclusive lang para sa mga babae. Ayaw kasi siyang papasukin sa loob lalo pa at wala siyang reservation at nang sabihin nito na kaniyang tingnan sa parking kung naroon nga ang sasakyan ng taong kaniyang hinahanap tha's when he realized na wala doon ang kaniyang lola at si Liway. Kaya naman nanlulumo at walang ibang mapuntahan ay nagdesisyon na lamang siyang magdrive at hanapin kung saan ang dalawa.

At nang hindi nga niya makita ang dalawa ay nagdesisyon na siyang magdrive pabalik ng bahay. Naisip niya na baka naman umuwi na ang dalawa at nagkasalisihan sila.

At hindi nga siya nagkamali. Nang malapit na siya sa kanilang bahay ay nakita niya ang sasakyan ng kaniyang lola Olivia na papasok na ng kanilang bakuran.

He sighed with relief at saka niya ipinasok ang kaniyang sasakyan sa driveway at saktong bumaba naman na sina lola Olivia sa driver side at si Liway naman mula sa passenger side. At halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita ang ganda ni Liway.

I mean, Liway is naturally beautiful, innocently beautiful, but that night? On how she was put together? Liway is a seductress.

Lumingon ang dalawa sa kaniya at hinintay siya ng mga ito na makababa siya ng kaniyang sasakyan. He walked towards them at kay Liway siya dumiretso at mayroon siyang nakitang kakaiba sa mukha nito. Hindi lamang ang make-up kundi, there was...calmness and tranquility.

"I've been looking all over for you," ang kaniyang sambit ngunit walang bahid ng galit ang kaniyang boses.

Hindi ito sumagot at naalala niyang hindi nga pala ito marunong na magsalita ng ingles, "nag-alala ako sa iyo Liway." At saka niya hinawakana ng mga bisig nito.

"Namasyal lang kami ni lola Olivia." Ang sagot ni Liway sa kaniya ngunit agad niyang napansin ang pamumula ng mga pisngi nito.

"Lola?" Ang kaniyang patanong na pagbanggit sa kaniyang lola Olivia na nagpamewang lang sa kaniya.

"What? Hindi ka ba nag-alala sa akin?" Ang tanong nito sa kaniya.

"Lola mukhang dapat akong mag-alala sa kanila, and...lola bakit mo naman dinala si Liway sa lugar na iyun?" Ang angal niya.

"Initiation iyun."

"Ugh, mas nauna pang makita ni Liway ang ibang lalaki na nakabold? Dapat ako ang tanging lalaking makikita niya ang katawan."

"Ugh, don't fret, walang nakita si Liway kundi puwet." Ang sagot ni lola Olivia sa kaniya at saka ito naglakad palapit sa min door kinuha nito sa hawak nitong bag ang sarili nitong susi ng bahay.

Lumingon ito sa kanila, "It's Friday, the night is still young, bakit hindi kayo lumabas ni Liway? Huwag mong sayangin ang ganda niya ngayong gabi." Ang sabi ni lola Olivia sa kaniya sabay kindat nito at saka ito humakbang papasok at nakapinid na pinto na lamang ang kanilang nakikita.

Napabuntong-hininga siya at pinagmasdan niyang muli si Liway. Lola Olivia was right, the night is still yung and he wanted to spned some time with Liway na tanging silang dalawa lang.

"Okey lang ba sa iyo na lumabas tayo sandali?" Ang kaniyang tanong.

"Oo naman...gusto kong...makasama ka Rake." Ang sagot ni Liway sa kaniya. At napansin niyang muli na mayroong kakaiba kay Liway. Tila ba mas open ito at walang pag-aalangan na ipakita at ipadama sa kaniya na gusto siya nitong makasama.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon