Yakap ni Liwayway ang kaniyang sarili habang naglalakad siya pabalik ng kanilang bahay. Alam niya na nakasunod sa kaniyang likuran si Rake.
Puno ng galit ang kaniyang dibdib dahil sa napagusapan nila ni Rake kanina lamang. Tama ang sinabi nito na matutulungan sila ng talino ng mga taga-labas upang mapagaan ang kanilang buhay. Ngunit ano ang naging kapalit? Buhay din ang naging kapalit nito.
Kaya nilang mamuhay ng hindi moderno at nalagpasan na ng mga Agba ang ilang taong pamumuhay nila ng payak sa tuktok ng bundok. Ang importante ay mayroon silang katahimikan.
Natanaw na niya ang kanilang bahay at sa labas na upuan ay naroon at naghihintay ang kaniyang lolo. At naalala niya ang lugar na kanina ay dinalaw nila ni Rake. At sa bawat araw na lumilipas ay palapit nang palapit ang sandaling doon na maninirahan ito. At naramdaman niyang muli ang kirot sa kaniyang puso.
"Apong!" ang masaya niyang sambit. At hindi niya napigilan ang kaniyang sarili nah inti ito yakapin nang mahigpit.
"Ubing, parang nangulila ka naman sa akin nang husto, ilang oras lamang tayong nagkalayo," ang nakangiting sabi nito sa kaniya. "Oh, nagkita kayong dalawa?"
"Opo, sinamahan po ako ni Liway, sinigurado po niya na...hindi ako maliligaw at mapuntahan ko ang bawal sa akin na lugar." Ang narinig niyang sagot ni Rake na nakatayo na sa kaniyang tabi.
Tiningnan siya ng kaniyang lolo at dali-dali naman niyang iniwas ang kaniyang mukha rito. "Maghahanda na po ako sa pag-aalay."
"Nauna nang umalis si Isagani hihintayin ka na lamang nila sa lugar a pagdaydayawan," ang sabi sa kaniya ng kaniyang lolo. "Sasamahan kita ngayon."
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Sa ilang araw kasi ng pag-aalay ay siya lamang ang nagtutungo sa lugar ng pagsamba. Masaya siya na sa pagkakataon na iyun ay masasamahan na siya ng kaniyang lolo.
Ngunit ang tuwa na kaniyang naramdaman ay agad na naglaho nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang lolo.
"Gusto mo bang sumama?" ang tanong nito kay Rake.
"Saan po?" sagot naman nito.
"Mag-aalay kami sa mga espiritu, isang ritwal na ginagawa ng magkapareha bago ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib." Ang paliwanag nito kay Rake. "Tutal ay ibabahagi rin naman namin ang aming kaugalian at paniniwala, bakit...hindi namin unahin sa iyo...iyun ay kung...hindi ka nagmamadali na makabalik sa bayan ng Catalina."
Tumanggi ka! Sabihin mo na nagmamadali ka na at wala kang oras, ang sabi ng isipan ni Liwayway at tiningnan niya si Rake na sumulyap din sa kaniya kaya naman nagtama ang kanilang mga paningin.
No hindi siya nagmamadali, at hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na iyun. He never witnessed on how indigenous people worhip their gods at ang pag-anyaya sa kaniya nang mismong leader ng Agba ay isang karangalan sa kaniya.
Napasulyap siya kay Liwayway at tumingin ang mga mata nito sa kaniya kaya naman nagtama ang kanilang mga paningin. Pilak laban sa araw.
"Isa po itong karangalan para sa akin kaya naman, hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na ito." ang kaniyang sagot habang nakapako pa rin ang mga mata nila ni Liwayway sa isa't isa.
Umirap ang mga mata nito sa kaniya. At alam niya na hindi nagustuhan ni Liwayway ang kaniyang isinagot. She never hides her dispproval of strangers lurking in their home.
"Mabuti naman," ang masayang sagot ng kaniyang apong. "Maghanda ka na Liwayway at kanina pa naghihintay sina Isagani sa atin." Ang utos naman nito kay Liwayway.
![](https://img.wattpad.com/cover/310316764-288-k254256.jpg)
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...