CHAPTER 49

392 39 39
                                    

Itinulak ni Liwayway ang kaniyang sarili para bumangon. Inunat niya ang kaniyang mga bisig at saka siya lumingon sa direksiyon ng bintana. Kalahati ng bintana ay natatakpan kulay kremang kurtina at napansin niya na hindi na mataas ang araw.

Hapon nang siya ay magising, ang sabi ng kaniyang isipan. Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at hinila niya ang kaniyang mga tuhod para yakapin ang kaniyang mga binti at isang ngiti ang kumurba sa kaniyang mga labi.

Labis ang kasiyahan na kaniyang nararamdaman sa kaniyang dibdib. Ganun pala ang pakiramdam ng isang umiibig, para ka nga talagang nasa langit, sambit ng kaniyang isipan. Kaya naman pala ang kaniyang ina ay nahumaling sa kaniyang ama dahil sa ganito pala kasarap sa pakiramdam ang umiibig at iniibig.

"Pero hanggang kailan?" ang bulong niya. At doon na siya nagpakawala ng buntong-hininga. Ininat niya ang kaniyang mga binti at saka niya inalis ang kumot na nakatakip sa kalahati ng kaniyang katawan. Ibinaba niya ang kaniyang mga paa sa sahig at naglakad siya palapit sa may bintana para ttingnan ang tanawin sa labas.

Umaasa siya na sana...ay walang hanggan.

Wala siyang halos makita sa kung nasaan siya dahil sa puro mga nagtataasan na mga gusali ang naroroon. Bigla tuloy siya nakaramdam ng pangungulila sa kanilang lugar na Nabalitokan a Langit. Ang ingay ng mga ibon, ang mga gintong bulaklak, ang mga ulap na humahalik sa lupa, at lalo na ang kaniyang apong.

"Kamusta ka na apong, sinunod ko ang payo mo sa akin, kayo ni lola Olivia, na magtiwala ako sa pag-ibig...at iyun ang ginawa ko, nagtiwala ako sa...pag-ibig ko para kay Rake,sana...sana ay hindi ko maging katulad ang kapalaran ng aking ina." Ang bulong niya.

"Apong magkikita rin po tayo, babalik po ako ng Nabalitokan...pangako," ang bulong niya. isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka niya iniwan ang bintana at tiningnan niya ang oras mula sa maliit na orasan na nasa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama ni Rake.

Kailangan na pala niyang maghanda at darating si Rake ngayong hapon para sunduin siya at babalik sila sa bahay ng mga magulang nito para maghapunan at kunin ang kaniyang mga damit. Sa bahay na kasi ni Rake sila magsasama ni Rake.

Inayos niya ang kama at saka niya kinuha ang bestida na suot niya kagabi para muling suotin. At saka siya lumabas ng silid ni Rake bitbit ang tuwalya na kinuha niya mula sa closet. Palapit na siya banyo na malapit sa harapan na pintuan nang marinig niya na may nagbubukas ng pintuan. Huminto siya at tiningnan niya ang pintuan at hinintay iyung bumukas. Wala namang ibang darating kundi si Rake.

At hindi nga siya nagkamali. Pagkabukas ng pinto ay humakbang papasok si Rake. At malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi.

"Rake," nang bigla siyang natigilan at ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi ay parang kandilang nalusaw nang mapansin niya ang nasa kamay ni Rake habang naglalakad ito sa kaniya palapit. At doon na siya nakaramdam ng kaba lalo pa nang mabasa niya ang galit sa mukha ni Rake.

"Rake?" Ang tanong niya.

"Oo ako nga, may iba pa bang Rake na papasok dito sa loob ng bahay ko?" Ang sarakastikong sagot nito sa kaniya. At inihagis ni Rake ang malapad na kulay brown na enevelope sa ibabaw ng mesa. Sinundan niya ng tingin ang envelope at nakaramdam siya ng kaba. Ang envelope na iyun ay itinago niya sa likuran na upuan ng sasakyan ni Rake.

Nakita na nito? Ang tanong ng kaniyang isipan.

"Pamilyar ba?" Ang hamon na tanong ni Rake sa kaniya. Iniwas niya ang tingin sa envelope at sinalubong niya ng tingin ang mga mata ni Rake. Walang pagmamahal sa mga mata nito kundi, poot.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon