"We have cabins...these are the famous ones ang mga A cabins, we have for two persons, for four... and meron din para sa group of ten to maximum of twelve persons, every cabin ay may sariling infinity pool at comfort rooms."
Tumango ang ulo ni Rake habang kasama niyang naglalakad ang owner ng isang malaking campsite sa tanay na kilala sa kanilang overlooking view at ang sea of clouds. They also have a coffee shop and restaurant para naman sa gusto lamang na magdine or magcoffee while enjoying the view and fresh air of the Sierra Madre.
They have cabins na iba't iba ang laki na katulad nga sa description sa kaniya kanina at kaniyang nasasaksihan.
They went on the bigger cabin na kayang mag-accommodate ng sampung katao. The owner opened the door of one of the unoccupied cabin para ipakita sa kaniya ang loob nito.
"There's a, a small sofa, three beds, at ang seven ay nasa loft, for extra mattresses may additional na three-hundred fifty pesos per extra matress, may aircon na hindi naman madalas nagagamit, at siyempre electric fan," ang sabi nito habang isa-isa nitong itinuturo ang mga gamit na nasa loob ng cabin.
"Hindi ba...malamok dito?" ang kaniyang usisa.
"Hindi naman...sinisigurado naman namin na malinis ang lugar at walang stagnant waters, but of course impossible naman talagang wala, kaya naman, we also provide mosquito nets once the guests are inside their cabins."
Tumango ang kaniyang ulo bilang sagot. It shows na pinakikinggan niya itong mabuti.
"The dining table and pool ay nasa labas ng veranda...this way." Ang sabi nito sa kaniya at tumango ang ulo nito para ituro sa kaniya ang pintuan palabas ng veranda. At pagbukas na pagbukas nila ng pinto ay bumati sa kanila ang malamig at sariwang hangin and right infront of him is the rolling mountain view of Sierra Madre.
At sumagi sa kaniyang paningin ang view ng kabundukan that he saw in Buenavista. Particularly the Steven's Peak at ang kabilang bahagi na tahanan ng mga Agba.
"Guests can enjoy their meals here and of course the pool, pero ang pinakabentahe namin ay ang magandang view ng Sierra Madre." Ang narinig niyang sabi nito sa kaniya.
"Guests can bring their own food no corkage or they can visit our restaurant and café or even asked the staff na magpa-room service."
"We also have other amenities bukod sa aming A cabins at iyun ang aming glamping or staying in one of our tents with the luxury of a hotel room, sa kabilang side naman ay ang aming camping ground kung saan ang guests ay magstay sa traditional na tent...they can bring their own tents or they can rent here for only five hundred pesos good for two to three person... they can also asked the staff na mag-start ng bonfire para sa kanila...and it is a must na kami mismo ang maghahanda ng bonfire to avoid any accidents."
"The water...in the pool...it's cold up here." Ang kaniyang sagot.
"We make sure that the pool water is warm." Ang paninigurado sa kaniya ng may-ari. "The campers also have a choice to use the river sa ibaba ng property."
Tumango ang kaniyang ulo at muling ibinalik niya ang kaniyang mga mata sa alon-along view ng mountain range sa kaniyang harapan. He stood and planted his feet on the wooden floor while his palms were inside the front pocket of his jeans. And he let the cold wind played with the strands of his hair.
Kumunot ang kaniyang noo at nagbalik ang kaniyang isipan sa oras ng kaniyang ibiniyahe at sa road na kaniyang binagtas. Malapad ang highway pero ang daan pataas ng campsite ay malubak din. Hindi man sinlubak ng daan sa Buenavista but it was still a roughroad ngunit dinarayo pa rin ito ng mga local na turista lalo na ng mga nasa Manila at karatig lugar nito.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...